• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Erik Matti, aprubado kay Jane de Leon bilang bagong Darna

Direk Erik Matti, aprubado kay Jane de Leon bilang bagong Darna

Para kay direktor Erik Matti, magandang choice si Jane de Leon bilang Darna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/24/2019 2:12 PM
Direk Erik Matti, aprubado kay Jane de Leon bilang bagong Darna


Photo credit: @imjanedeleon IG and ABS-CBN News

Aprubado ng batikang direktor na si Erik Matti ang desisyon umano ng ABS-CBN at direktor Jerrold Tarog na maging mukha ng bagong Darna si Jane de Leon.

Si direk Jerrold ang pumalit kay direk Erik nang hindi na nito magagawa ang makabagong pelikula ng Darna na pagbibidahan sana ni Angel Locsin na kinalaunan ay napunta kay Liza Soberano.

“I know Jane. Maganda ‘yung choice sa kanya kasi parang girl-next-door. Very fresh,” aniya nang makapanayam siya ng ABS-CBN News sa naganap na press conference para sa HBO Asia series Food Lore.

Bagamat si Nadine Lustre ang dating nakikita ng direktor bilang Darna, ikinatuwa pa rin niya ang resulta ng pagpili sa bagong Darna.

“I think it’s a good decision for ABS-CBN and Jerrold Tarrog. It’s good that they picked a fresh face talaga. Maganda ‘yun.”