DARNA 101: Jane De Leon, nais komunsulta kay Angel Locsin

Nagapasalamat rin si Jane De Leon sa mga papuri ng mga former Darna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/24/2019 11:58 AM
DARNA 101: Jane De Leon, nais komunsulta kay Angel Locsin


Photo credit: @therealangellocsin and @imjanedeleon IG

Kasabay ng kanyang pisikal na paghahanda para sa iconic Pinay superhero na si Darna, masayang masaya ngayon si Jane De Leon para sa mga papuri na kanyang tinatanggap mula sa mga dating gumanap na Pinay superhero.

READ: Fitness training at Darna costume fitting sinimulan na ni Jane De Leon

Matatandaan na kabilang sina Liza Soberano at Angel Locsin ang unang bumati kay Jane matapos siyang ianunsyo bilang bagong Darna.

“Una talaga like siyempre coming from Ate Angel, Ate Sharon (Cuneta), and others, masaya and masaya ako na 'yung tiwala rin na binigay nila sa akin para gampanan ko ang role,” ani Jane.

Kahit planado na ang kanyang mga gagawin para sa bagong timpla sa kanyang karakter, umaasa rin si Jane na makausap ng personal si Angel Locsin para hingan ito ng payo.

“Actually nag-uusap kami lagi ni Liza, nakapag-dinner na rin kami and ngayon looking forward naman ako kay Ate Angel Locsin na ma-meet siya,” pahayag pa ni Jane.

Inaasahan na sa darating na mga buwan, magtutuloy tuloy na sa training si Jane para sa inaabangan na pelikula ng ABS-CBN Films.