Sue Ramirez: ‘Please do not sexualize my body’

Dinipensahan ni Sue Ramirez ang sarili mula sa mga netizens na tinitignang bastos ang kaniyang mga larawan online.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/23/2019 11:37 AM
Sue Ramirez: ‘Please do not sexualize my body’


"Yun nga ang sinasabi ko, na please do not sexualize my body, because I don't do that to myself," ito ang sagot ni Sue Ramirez sa press tungkol sa paggamit ng kaniyang ilang bikini photos ng mga netizens at pagtingin na kabastusan ang mga ito.

Sa naganap na media conference para sa kaniyang bagong iWant docu-series na Unlisted, may pangaral ang 23-year old actress sa mga netizens na may maling pagtingin sa kaniyang ilang larawan online.

"I don't [sexualize myself], that fact that I'm putting that out there [online] I'm not sexualizing it. Gusto kong masanay ang mga tao at masanay ang mga mata nila na pag may nakikita silang naka-two piece, hindi siya bastos, at hindi siya dapat bastusin," matindig na paliwanag ni Sue.

Nagpapasalamat rin naman ang aktres sa mga nakaka-appreciate sa pagpo-post niya ng mga larawang nagpapakita ng kaniyang katawan. "Sana po 'pag nakita niyo ang mga pictures na ito -- hindi po ito bastos. Sana wag niyong tingnan nang ganon, buksan natin ang mga isip natin," pagpapatuloy niya.

Panoorin ang interview ni Sue dito:

Kamakailan ay naging usap-usapan online ang interview ni Sue sa Tonight With Boy Abunda nitong September 5, kung saan ay inamin niyang mas kumportable siya sa hindi pagsusuot ng bra.

Nitong nakaraang ABS-CBN Ball rin, ay isang larawan ni Sue kasama si Hayden Kho ang kumalat sa social media at nakatanggap ng mga malisyosong komento mula sa netizens.

Sa parehong interview masayang ibinalita ni Sue na kasabay ng sunud-sunod na proyekto, kasalukuyan din siyang may ginagawang bagong serye.

Mapapanood sa iWant ang Unlisted simula October 23. Kasama si Robi Domingo, lilibutin nila ang mga hindi sikat na lugar sa Pilipinas at babaliin ang mga maling paniniwala na nakaakibat sa mga naturang probinsya.