• Home
  • Fresh Scoops
  • Fitness training at Darna costume fitting sinimulan na ni Jane De Leon

Fitness training at Darna costume fitting sinimulan na ni Jane De Leon

Si Jane De Leon ang gaganap sa iconic pinay superhero na dapat gagampanan ni Liza Soberano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2019 1:34 PM
Fitness training at Darna costume fitting sinimulan na ni Jane De Leon


Photo credit: @imjanedeleon IG

Hindi na maipaliwanag ngayon ni Jane De Leon ang nararamdaman para sa kanyang nalalapit na paglipad bilang si Darna.

READ: ABS-CBN Films chooses Jane de Leon as new Darna

Kuwento ni Jane sa naganap na Star Magic Halloween party na Black Magic, nagsimula na siya sa unang bahagi ng kanyang training.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Modern Filipiniana 🇵🇭 #ABSCBNBALL2019

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

 

"For now I'm doing the fitness training, and next month I guess 'yung stunts na," aniya. "So hindi ko pa nagagawa 'yung pinakamahirap na training."

Inamin rin ng bagong Darna na nasukat na niya ang kanyang gagamitin na costume. "Pero abangan natin 'yan," ani Jane.

Hindi rin niya itinanggi na nararamdaman na niya ang pressure sa kanyang gagawing proyekto.

"Pero normal naman na ma-pressure talaga, kasi kahit sino naman ang nandito sa posisyon ko po," paliwanag niya.

Kabado man, mas nangingibabaw pa rin daw ang kanyang pananabik para sa proyekto.

"Sobrang ready na talaga ako. Hindi ko naman ine-expect 'to and binigay sa akin ni Lord 'to and opportunity 'to, so bakit hindi ko tatanggapin," ani Jane.

"Kinakabahan ako but it's normal naman and ayun, gusto ko lang mapasaya ang mga tao," pahayag pa niya.