• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Marlo Mortel, ibinahagi ang pinagdaanan sa showbiz

EXCLUSIVE: Marlo Mortel, ibinahagi ang pinagdaanan sa showbiz

Marlo Mortel, gustong mag-focus ngayon sa kanyang music.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2019 11:33 AM
EXCLUSIVE: Marlo Mortel, ibinahagi ang pinagdaanan sa showbiz


Photo credit: @marlomortelmusic IG

Pagiging singer talaga ang gustong pasukin ni Marlo Mortel sa showbiz kaya lang una siyang nabigyan ng break sa pag-arte nung napasama sa morning series na Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

“Convinced ako bata pa lang ako na gusto kong maging singer kaya ako nag-audition sa TV kaya madami akong pinagdaanan. Unang-una kong sinalihan Are You The Next Big Star pero hindi ako nakapasok.

“Sumali din ako sa isang artista search, kasabay ko sina Alden Richards, nakapasok naman ako hanggang top 30 at do’n ako kinuha ni Kuya Germs hanggang sa lagi na akong kumakanta sa Walang Tulugan. Tapos sumali na naman ako sa contest, sa X Factor pero ayun, tanggal na naman ako,” natatawang kuwento ni Marlo about his showbiz journey.

Sinubukan din ni Marlo noon na mag-audition sa seryeng Apoy Sa Dagat bilang extra, but sadly, kahit extra lang ay hindi pa rin siya nakapasa.

“Pinag-audition din nila ako as seaman, as extra, hindi ako nakapasa. Pero kinontak nila yung girlfriend ko kasi kailangan daw nila ng bestfriend ni Luke (Jerome Ponce) sa Be Careful pero extra lang din. So ang bayad sa akin do’n pang extra.

“Unang ganap ko do’n lakad-lakad lang hanggang sa napansin na ng mga boss. Tapos dumating yung time na nabibigyan na ako ng script. Pinapasok na nila ako sa tent, tapos nagkatabi kami ni Janella (Salvador).

“Ang bayad nila no’n sa akin P2K lang kasi nga talent lang ako sa Be Careful With My Heart, hindi ako artista. First ever acting role ko talaga yung sa Be Careful, na major, na hindi naman talaga dapat. Pero naniniwala kasi ako na kapag para sa ‘yo, para sa ‘yo,” pagbabalik-tanaw pa ng binata.

Patuloy pa ni Marlo, “Kasi ang tagal kong nagta-try sa GMA noon pero hindi naman ako napapansin that time. So nung nakita ko yung commercial ng X Factor, nag-quit ako sa Walang Tulugan at do’n ko nga nakilala sa pila yung girlfriend ko.”

Ngayon ay gusto ni Marlo na mag-focus sa music. Inumpisahan niya ito sa paglikha ng mga kanta na nakapaloob sa kanyang album. Sumali rin siya sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions recently.

“Naka-focus ako ngayon sa music. Nag-release kasi ako ng album recently. Yung main single ko na ‘Sana’y Ikaw Na Nga,’ siya yung dating theme song nina Angel Locsin at Paulo Avelino sa The General’s Daughter. Sumikat din yung song sa PBB, kina Lou at Andre. Ako yung nagsulat, ako rin ang kumanta.”

Ginawan din niya ng kanta –“I Pray”– ang kanyang yumaong nanay.

Aniya, “Siguro if th people will just give it a chance na mapakinggan yung music ko, that’s my niche, eh. Ayun naman talaga yung reason kung bakit ako nag-showbiz. Hindi lang talaga ako do’n nakilala kasi nga aksidenteng napasok agad ako sa acting, pero I really love music talaga.

“Very similar yung country music sa gusto ng Pinoy kasi very emotional ang country music. Wala rin lang talaga tayong country singer at yon din yung goal ko – ang maging first ever legit na country singer.”

Kasama si Marlo sa cast ng horror film na Santigwar na launching movie ni Alexa Ilacad. Napapanood din siya as host naman sa morning show na Umagang Kay Ganda.

“Kung may mga acting like this, sa movie, why not? Pero naniniwala ako na pag time mo talaga, darating yon, so I’m just waiting patiently. Ayoko namang magpaka-trying hard na ipilit yung sarili ko sa tao lalo na kung hindi pa naman nila tanggap pa. So, I’m waiting for my time, yung big break na dadating kasi hindi ko pa napapakita kung ano yung kaya kong ibigay. Alam ko kasi na meron pa, eh,” huling pahayag ni Marlo sa PUSH.