• Home
  • Fresh Scoops
  • Suspek sa paggamit ng credit card ni Angelica Panganiban, huli

Suspek sa paggamit ng credit card ni Angelica Panganiban, huli

Naaresto na ang suspek sa likod ng illegal na paggamit ng credit card ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/22/2019 5:44 PM
Suspek sa paggamit ng credit card ni Angelica Panganiban, huli


Photo Credit: @iamangelicaps on IG

Naaresto na ang suspek sa likod ng illegal na paggamit ng credit card ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Blessing after Blessing after Blessing 🙌🏼

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

Kinilala ito bilang si Agatha Reyes, na umamin sa hindi awtorisadong paggamit ng credit card ng “Playhouse” star noong maaresto ito sa kanyang bahay.

Umaabot sa P5,000 ang ginamit mula sa credit card ni Angelica at nagtangka pa umano si Reyes na gamitin ito sa casino sa halagang P500,000, ayon sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.

"We asked our artist to do a cartographic sketch, noong na-verify may nakuha tayong warrant of arrest. Noong nakausap natin siya (Reyes) inamin niyang siya ang gumamit ng card," ani Ronald Aguto, hepe ng NBI- International Operations Division.

Napag-alaman na ginagamit ng suspek ang mismong card ni Angelica, na ipina-renew umano sa bangko, kaya hinala ng pulisya na kasabwat ni Reyes ang courier ng credit card.

"'Yung card nakukuka sa couriers, heto 'yung mga renewal ng cards tapos nagagawan nila ng paraan para ma-activate ito. It appears na magkakasabwat but it's hard to say, kung ano ang relationship ng courier sa bangko," ani Aguto.

Samantala, nagpasalamat naman si Angelica sa NBI sa pamamagitan ng tweet nitong Lunes.

“Maraming salamat, NBI! Kapag akala mong sadlak na sadlak na ang sistema. May mga tao pa rin na tapa tang serbisyo. Salamat po!” aniya.