• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, wish ang maraming pelikula tampok ang mga alagang hayop

Sarah Geronimo, wish ang maraming pelikula tampok ang mga alagang hayop

Hiling rin ni Sarah Geronimo ang marami pang oras na maka-bonding pa si Milo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/22/2019 6:57 PM
Sarah Geronimo, wish ang maraming pelikula tampok ang mga alagang hayop


Muling nagkita sina Sarah Geronimo at ang aso na si Milo sa naganap na premier night kagabi, October 21, ng pelikulang Unforgettable.

Dito, hindi napigilan ni Sarah ang makipaglaro at maging affectionate kay Milo, na kanyang kasama sa kabuuan ng mga eksena ng pelikula.

“Milo excited ka na? Excited ka na? (talking to Milo) Siyempre siya po ang leading man ko eh dapat mapanood nya ang pelikula nya,” bungad ni Sarah sa naging panayam.

Marami nang naging hit na pelikula si Sarah, pero, ito ang unang pelikula na aso ang kanyang partner.

“Dream come true po para sa akin at masayang masaya na dito po sa career ko nakagawa po ako ng ganito klaseng film,” sabi pa ni Sarah.

Umaasa rin si Sarah na dumami pa ang Pinoy movies tungkol sa pagmamahal sa mga aso kagaya ng ipapakita sa pelikula.

“Why not! Kasi po sa hollywood sunod sunod di po ba? I think may lalabas na naman isa na bago sana mag tuloy tuloy kasi andami stories about dogs po eh,” pahayag pa ni Sarah.

Mapapanood ang “Unforgettable” ngayong Oktubre 23 sa direksyon nina Jun Robles Lana at Perci Intalan.