• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez, pinag-aaralan ang posibleng paggawa muli ng pelikula

Richard Gomez, pinag-aaralan ang posibleng paggawa muli ng pelikula

Sa naganap na 72nd Charter day ng Ormoc, City, binuksan ang museum of culture and arts ng lungsod sa ilalim ng pagmamahala ni Mayor Richard Gomez.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2019 12:30 PM
Richard Gomez, pinag-aaralan ang posibleng paggawa muli ng pelikula


Sa naganap na 72nd Charter day ng Ormoc, City, binuksan ang museum of culture and arts ng lungsod sa ilalim ng pagmamahala ni Mayor Richard Gomez.

Bukod sa paggawa ng pelikula, malapit sa puso ni Goma ang dining at kultura na nais niya rin ibahagi sa kanyang mga kababayan.

Kasabay ng kanyang pagiging isang lingkod bayan, nagbigay ng update rin ang aktor sa dalawang pelikula na kanyang kinokonsidera para sa kanyang muling pagbabalik pelikula.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you for watching “Three Words to Forever”

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezinstagram) on

 

“May binabasa ako na dalawang scripts ngayon (pelikula po ba?) ahh oo! Meron ako binabasa na Palanca award [winning] na story tingnan ko kung kaya ng schedule,” sabi ni Goma sa ating panayam.

Gumawa rin ng ingay kamakailan ang mga painting na likha ni Goma na umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media.

Pero ayon sa kanya, deadma siya dahil sa normal na ito sa kanya bilang isang alagad ng sining.

“Tama lang yun! Ganun talaga ang art dapat nae-evoke ang emotions mo! Kapag gumagawa ka ng art at di naapektuhan ang emotions mo hindi exciting. Marami talagang ganun those artist doesn’t know what art is all about,” paliwanag ni Goma.

Bukod sa kanyang trabaho, pinaghahandaan na rin ni Richard ang nalalapit na kaarawan ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez ngayong Disyembre.

 

 

“I’m more of a maayos na planning. Siguro tatanungun ko siya kung ano gusto niya para sa mommy niya. Lately busy si Juliana sa school, hindi namin siya nakikita. Siguro siya ang tatanungun ko para sa birthday ng mommy niya.”

Umaasa si Richard sa patuloy na pagdagsa ng mga turista sa Ormoc City dahil sa natural na ganda ng kalikasan na dinarayo noon pa man.