• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Pasado!’ Sarah Geronimo, na-meet ang kaniyang impersonator

‘Pasado!’ Sarah Geronimo, na-meet ang kaniyang impersonator

Nagsabay sa pagsayaw sina Sarah Geronimo at ang kaniyang impersonator na si Bench Hipolito.

BY POLA BERONILLA

FRESH SCOOPS

10/22/2019 11:26 AM
‘Pasado!’ Sarah Geronimo, na-meet ang kaniyang impersonator


Nalito raw ang mga momshie hosts sa pagbisita ng Sarah Geronimo impersonator na si Bench Hipolito sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, October 21.

Kasama rin ang mismo ang Popstar Royalty, nagsabay pa sa pagsayaw ng hit song na “Tala” sina Sarah at Bench.

 

 

Ayon kay Bench taong 2014 pa nang magsimula siyang mag-impersonate ng mga artista.

"Nung nag-start na akong mag-Sarah Geronimo on stage, hindi ko inakalang sobrang matutuwa ang mga tao. So [simula no'n] inaral ko na po siya," kuwento ni Bench.

"Pasadong pasado! Mas passionate pa nga siya sa akin e," masayang sabi naman ni Sarah.

READ: Direk Jun Lana kay Sarah Geronimo: ‘Totoo ang tsismis, napakabait niya’

READ ALSO: EXCLUSIVE: Sarah Geronimo reveals who is her ‘unforgettable’ leading man

Sa parehong episode ng morning talk show naging emosyonal din si Sarah habang ibinabahagi ang hiling niya para sa pamilya: ang magsama-sama ulit.

"Ang reyalidad ng buhay ay talagang ganun e. May kaniya-kaniyang pangarap, may kaniya-kaniyang gusto. Gusto ko sana dumating yung time na magkakasama kami ng buong pamilya.

"Pero iintindihin mo yun kasi nga magkakaiba ang mga pangarap ng bawat isa," paliwanag ni Sarah.

Bida ngayon si Sarah sa bagong pelikula na Unforgettable, kung saan makakasama niya ang wonder dog na si Milo. Mapapanood ang Unforgettable sa mga sinehan simula October 23.