• Home
  • Fresh Scoops
  • Marjorie Barretto ibinunyag ang dahilan ng gulo ng kanilang pamilya

Marjorie Barretto ibinunyag ang dahilan ng gulo ng kanilang pamilya

Ayon kay Marjorie Barretto, ang kanyang kapatid na si Gretchen ang nagpapakitang-tao lamang.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/22/2019 9:23 PM
Marjorie Barretto ibinunyag ang dahilan ng gulo ng kanilang pamilya


Binasag na ni Marjorie Barretto ang kanyang katahimikan at nagpaunlak na ng panayam sa TV Patrol matapos kumalat ang balitang nagkagulo sila ng kapatid na si Gretchen Barretto matapos nitong bumisita sa burol ng kanilang ama na si Miguel.

Nilinaw muna ni Marjorie ang relasyon ng kanyang pamangkin na si Nicole kay Charlie “Atong” Ang at sinabing naging kasintahan ito ni Nicole sa loob ng limang taon. Taliwas naman ito sa naging statement ni Atong at iginiit din ni Gretchen na nagtrabaho lamang sina Nicole at kanyang ina para kay Atong.

READ: ‘LIES’: Marjorie Barretto breaks silence on reported scuffle at dad’s wake

Bago pa raw bumisita si Gretchen ay nakatanggap na ng text si Nicole at ang kanyang ina mula sa pamilya Ang at pinakusapan sila na kung pwedeng umalis sila pansamantala sa burol dahil paparating sina Gretchen at Atong.

“[They] said, kung puwede umalis muna sila Nicole at ‘yung mga kapatid niya, dahil parating si Gretchen at si Atong. Bigla na lang lumuha [si Nicole]. Apo siya, e. She had more right in the wake," kwento ni Marjorie.

“Tapos siyempre napapahiya siya sa aming lahat, kasi very present si Atong sa lahat ng family gatherings namin in that almost five years, as the boyfriend of Nicole. Napapahiya rin naman si Nicole na papasok silang (Gretchen and Ang) magkasama. Parang sampal na sa pagmumukha niya ‘yon. It was not the place to do that,” dagdag pa niya.

READ: Gretchen Barretto fires back at Marjorie, shares videos from father’s wake

Ayon sa dating aktres, nagsimula ang tensyon nang dumating sa burol ang nakakatandang kapatid niya kasama si Atong. Nataon din na naroon si Pang. Rodrigo Duterte na nakikiramay din sa kanilang pamilya.

“Dumating ang pangulo, he had his moments with my mom and prayer for my father. On cue ni Claudine, dumating si Gretchen at si Atong. Atong stayed at the end [of the chapel]. Gretchen was there, apologizing to my mother, crying. We were at the side,” ani Marjorie.

Matapos pumutok ang balitang nag-away sina Gretchen at Marjorie, sinabi ni Gretchen sa ABS-CBN News na okay na raw ang lahat ngunit nagka-“nervous breakdown” daw si Marjorie.

“They were claiming na mainit na ulo ko. Hindi lang po ako. ‘Yung pamilya ko po, dahil na-offend kami really about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father. That’s the tension,” paliwanag ni Marjorie.

“Sabi ko, ‘Mr. President, I respect you, I love you, I voted for you, sir. Pasensya na po. Hindi po kita mapagbibigyan,’” kwento niya.

Hindi raw niya magawang pagbigyan ang pakiusap ng presidente dahil, “I could see her face. I could see the insincerity in Gretchen. I know her the most.”

Inihayag din ni Marjorie kung bakit nagka-alitan din sila ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

“Claudine says, ‘You’re unbelievable!’ Tumingin ako, bunsong kapatid. Diyan nag-start ‘yung bastusan, actually. And then she followed with, ‘How dare you! You just want the attention!’

“I said, ‘Mr. President, tingnan niyo po ‘to. Ito po ‘yung totoong pagkatao nila. Nagbabait-baitan lang po sila sa harapan ninyo. I hope you understand.’”

Itinanggi rin ni Marjorie ang paratang ni Gretchen na siya umano ang dahilan ng pagka-atake ng kanilang ama dahol hindi umano inimbitahan ni Marjorie ang kanilang ina sa birthday party ng kanilang ama na ginanap sa kanilang bahay.


“It goes to show that Gretchen does not care about the family at all. My father died of acute respiratory failure. He did not have a heart attack,” paliwanag niya.

“Gretchen, stop diverting. My mom is always invited. Why wouldn’t she be invited? She is my mother, and she is the wife of my father, and we are in good terms. If I did not want my mother at the birthday celebration of my father, I wouldn’t have done it in my house.

“My dad claimed to us that my mom was ill that day, that’s why she was not able to join us, which is not unusual. My mom is 82 years old,” dagdag ni Marjorie.

May mensahe rin siya sa kanyang kapatid na si Gretchen.

“Now when we talk about her painting me as a bad daughter, I will put my foot down. I am a good daughter. I am present every Sunday, every family event, I throw their parties, I serve them, I visit my family.

“Speaking of not inviting your mother to your house — Gretchen, for more than 25 years, has never invited my parents to her house, any of her mansions and rest houses, not even to their garage. So don’t paint me as the bad daughter, Gretchen,” aniya.

READ: Gretchen Barretto to niece Julia: ‘Ang bait mo ngayon kung kay Dennis ka lumaki’

“Ako, gusto ko ibalik ‘yung tanong kay Gretchen: Kailan ka ba mapapagod? When will you start healing so you can stop hurting everybody? I pray for healing. I sincerely pray for healing.”

Bukas naman daw sana ang kanyang pinto para makipagpatawaran na kay Gretchen ngunit ayaw umano ni Marjorie na pagpiyestahan sana ng publiko ang dapat ay naging isang pribadong kabanata ng kanilang buhay.

“Kung pumunta siya sa ospital, sa tatay ko, habang buhay, walang Presidente, walang kamera, walang lahat, ako ang unang yayakap sa kaniya. I would have hugged her. I would have led her to my father, and I swear that on my children’s lives.

“I am for reconciliation, just not an orchestrated one.”

Watch the whole interview HERE