• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gallo on circumcision: ‘One of my most traumatic events in my life’

Marco Gallo on circumcision: ‘One of my most traumatic events in my life’

Marco Gallo, ikinuwento ang nangyari nang nagpatuli siya nung bata pa siya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/22/2019 11:05 AM
Marco Gallo on circumcision: ‘One of my most traumatic events in my life’


Ang akala namin ay hindi sasagutin ng former Pinoy Big Brother teen housemate na si Marco Gallo ang personal question namin sa kanya if he is “cut” or “uncut.” Nag-ugat ang tanong namin kay Marco kung circumcised ba siya nung maalaala namin ang ang former PBB teen housemate who is also from Italy na si Alex Anselmuccio na sa mismong PBB house nagpa-cut.

Katulad ni Alex, half-Italian, half-Filipino rin si Marco. Ang tatay niya ang may Italian blood samantalang ang mother niya naman ang Pilipino. Sa culture ng mga Italiano kasi hindi uso sa kanila ang pagpapatuli.

Sa simula ng tanong namin, binalaan na si Marco ng isang Viva executive na huwag niyang sagutin ang tanong namin if he’s not comfortable pero nakakabilib ang gestures ni Marco to answer my question.

Simula ng binata, “I don’t think it’s an issue. In a medical way, I am. I am—how do you say it – tuli? Because I remember, it was one of my most traumatic events in my life.”

Ayon pa sa kuwento ni Marco, taong 2008 daw naganap ang circumcision dito sa Pilipinas. He was about 8 years old that time. Ang sabi raw sa kanya ng Tito niya ay pupunta sila sa dentist kayapumayag naman agad siya, pero sa ospital daw sila nagpunta para ipa-circumcisesiya.

“I was screaming. It was like fiveof my titos holding me and after the operation was done, I got so angry to the doctor, I was like, ‘Put everything back how it is in Italya,’” natatawa niyang pagbabalik-tanaw sa nangyari.

Patuloy pa ng binata, “I was screaming, I was like, ‘I’m going to sue you! I’m going to find you! I’m going to ruin your life!’ and everything. Because I thought it was their idea. I didn’t know it was my mom’s.”

Sa loob ng halos isang linggo ay kinailangan daw niyang magsuot ng palda dahil sa nangyari. Sabi niya raw sa mommy niya, “Mom, why am I a girl now?”

Pero na-realize rin daw niya na okey naman pala ang magpatuli and in fact, he’s proud of it at ganito rin daw anggagawin niya sa kanyang magiging anak someday.

 “It’s actually a good thing. I’m proud of it because it’s more healthy. I mean, it’s medically proven, it’s actually more healthy for male people, and I’m looking (forward) like someday, for my kids to do it, too, because my dad was really against it, kasi nga, in Italian culture, they’re really to do that, like you don’t have to touch males’ genital, hindi dapat talaga.

“Pero, wala, sa medical na paraan, it’s been proven na mas maganda ‘yun, so bakit hindi?” pahayag pa ni Marco.

Personal na nakausap ng PUSH si Marco sa ginanap na contract signing niya sa Viva. Pumirmasiya ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) pagkatapos mag-expire ang kanyang kontrata sa Star Magic.