Angat ang ganda ng Pilipina sa naganap na 2019 Miss Globe Beauty pageant sa Ulcinj, Montenegro nitong Lunes ng gabi October 21 kung saan itinanghal na second runner up ang Pinay beauty na si Leren Mae Bautista.
Si Leren Mae ang kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Globe pageant kung saan unang gumawa ng pangalan ang Pinay beauty queen na si Ann Colis taong 2015.
Si Alejandra Diaz De Leon Soler ng Mexico ang kinoronahang Miss Globe 2019 at First Runner up si Carla Jean Lares ng Trinidad and Tobago.
Sa Third runner up naman si Shauna Griffiths ng Canada, at fourth runner-up si Kristyna Malirova ng Czech Republic.
Hindi ito ang unang beses na sumabak sa beauty pageant si Leren. Taong 2015 ng lumaban siya sa Miss Tourism Queen of the Year International at naiuwi ang korona.