• Home
  • Fresh Scoops
  • Korina Sanchez, inspirado dahil sa kaniyang kambal na sila Pepe at Pilar

Korina Sanchez, inspirado dahil sa kaniyang kambal na sila Pepe at Pilar

“Everything I do these days is about them. I feel that I do should be example to my kids,” pahayag ni Korina Sanchez tungkol sa kaniyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/22/2019 11:14 AM
Korina Sanchez, inspirado dahil sa kaniyang kambal na sila Pepe at Pilar


Photo credit: @robbiepinera and @korina IG

Muling tumanggap ng dalawang awards si Korina Sanchez-Roxas bilang Best Magazine Show Host at Best Magazine Show para sa Rated K, sa naganap na 33rd PMPC Star Awards for Television.

Masaya si Korina dahil alay niya ang bagong milestone na ito sa kaniyang eight-months-old na kambal na sina Pepe at Pilar.

"Alam mo natutuwa ako kasi sabi ko sana naman sa lifetime ng mga anak ko, makapanalo pa rin ako ng mga award. Para naman masabi nila na, 'Uy buhay na ako nung mga panahon na 'yon. Nanalo pa rin ang nanay ko,'" kuwento ni Korina sa interview ng press matapos matanggap ang mga awards.

Pagpapatuloy ng Rated K host may mga katuwang siya para i-document ang mga mahahalagang nagaganap sa buhay niya ngayon para maipakita ito sa kambal balang araw.

"So everything I do these days is about them. I feel that I do should be example to my kids. May kinausap ako para i-document lahat nang nangyari sa buhay ko, at career ko, para makita nila in video lahat ng nagawa ng nanay nila," ani Korina.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

And today? Couldn't imagine life without them.🥰🥰💚💚#BestLife

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

 

READ: BEACH BIRTHDAY! Korina Sanchez celebrates her 54th birthday with twins Pepe and Pilar​

READ ALSO: Korina Sanchez’s twins get baptized

Nang kumustahin naman ng press ang mga kambal, excited na ikinuwento ni Korina ang mga natuklasang mga 'karakter' nila.

"Si Pepe -- happy go lucky si Pepe, anything goes [para sa kaniya]. Iharap mo sa [kaniya] kakainin [niya]. Pero si Pilar, iisipin pa [niya] kung type [ka niya]. Medyo [suplado] pero 'wag nating sabihin 'yan," masayang kuwento ni Korina.