• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos, Regine Velasquez may cameo role sa pelikula ni Vice Ganda sa MMFF

Charo Santos, Regine Velasquez may cameo role sa pelikula ni Vice Ganda sa MMFF

Bigay todo si Vica Ganda sa kanyang live performances para sa kanyang endorsement.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2019 12:59 PM
Charo Santos, Regine Velasquez may cameo role sa pelikula ni Vice Ganda sa MMFF


Photo credit: @charosantos, @praybeytbenjamin and @reginevalcasid IG

Bigay todo si Vice Ganda sa kanyang live performances para sa kanyang endorsement. 

Kuwento ni Vice, ramdam na niya ang nalalapit na pagpapalabas sa Metro Manila Film Festival ng pelikula nila ni Anne Curtis na ayon sa unkabogable star ay handog niya sa madlang people ngayong kapaskuhan.

“Siniguro namin ni Anne Curtis, ng Star Cinema at ng Viva Films na madlang people pa rin ang mananalo sa Pasko. Ano ito eh selebrasyon ito ng madlang people sa masang Pilipino na marami pinagdadaanan sa buong taon,” sabi pa ni Vice.

Expect the unexpected rin daw ayon kay Vice ang dapat na asahan sa panonood ng kanilang pelikula.

“Promise po itinataga ko sa wig ko (laughs), ang dami namin ginawa ni Anne Curtis na di nyo pa nakikita everyday sa okrayan namin sa Showtime lalo na si Anne. sabi ni Anne nakakaloka parang nagpapakilala pa lang ako sa showbiz dahil sa first time nagpababoy siya sa pelikulang ito para sa madlang people,” kuwento pa ni Vice.

At dahil marami ang nagmamahal kay Vice at Anne sa una nilang pagsasama sa pelikula, marami din ang manggugulat na celebrities sa may special roles.

“Andami parang mahigit 100 artista po kasi ang cameo fifty plus eh kami marami kami yung cast andami, pinaka-simple namin mga cameo Ma’am Charo (laughter), Regine Velasquez yan ang pinaka simple namin na cameo,” pahayag pa ni Vice.

Asahan ng mga manonood ang pelikula nina Vice at Anne na isa sa mga pelikulang mangunguna sa takilya ng Metro Manila Film Festival.