• Home
  • Fresh Scoops
  • Zephanie Dimaranan, ibinahagi ang nagbago sa buhay matapos ang ‘Idol PH’

Zephanie Dimaranan, ibinahagi ang nagbago sa buhay matapos ang ‘Idol PH’

Kasado na ang first major concert ni Zephanie Dimaranan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2019 10:25 AM
Zephanie Dimaranan, ibinahagi ang nagbago sa buhay matapos ang ‘Idol PH’


Puspusan na ngayon sa paghahanda para  kanyang first major solo concert ang unang  “Idol Philippines” na si Zephanie Dimaranan.

READ: Here’s what Sarah Geronimo told Zephanie Dimaranan after winning ‘Idol Philippines’

Kuwento ni Zephanie, hindi niya inasahan ang malaking pagbabago sa kanyang buhay ngayon matapos ang “Idol Philippines” una na rito ang pagiging regular na bahagi ng “ASAP”.

"And marami po akong nakikilala na new friends dito sa industry and habang tumatagal po, mas nag-eenjoy po ako kasi dati iniisip ko lang dati ngayon nakakamit ko na siya," tugon ng singer sa panayam.

Bukod sa pagiging regular na bahagi ng ASAP, Isa rin sa ipinagpapasalamat ng “Idol Ph” ang mga pagbabago sa kanyang buhay matapos ang Kapamilya singing search.

"After ko po manalo sa 'Idol Philippines' sobrang dami na pong changes, lahat po 'yun sobrang positive na ang dami ko na po nai-inspire na katulad kong dreamers, and mas nasi-share ko po 'yung talent na binigay sa akin ni Lord," sabi pa ni Zephanie.

Dito, ibinahagi rin ni Zephanie na nakuha na niya ang pa premyo na kalakip ng kanyang tagumpay sa “Idol Philippines”.

"Marami na po akong na regalo sa sarili ko, siguro i-count ko na rin po doon ang naging regalo ko sa family ko kasi 'yung maibahagi ko po 'yung blessing na binigay sa akin ni Lord parang ako na rin po ang nakatanggap ng blessing na 'yun,” aniya pa.

Ano ang kanyang unang ginawa matapos makuha ang premyo? 

“Hindi ko na po matandaan, pero ang una po naming ginawa ay nag-celebrate po kami ng family ko,” pahayag pa ni Zephanie. 

Sa darating na Nobyembre 28, gaganapin ang solo concert ni Zephanie kasama ang kanyang special guests na sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.