• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ariella Arida, sinabing nakakatulong ang mga kritisismo sa kaniyang pagho-host

EXCLUSIVE: Ariella Arida, sinabing nakakatulong ang mga kritisismo sa kaniyang pagho-host

Proud si Ariella Arida sa bagong parangal na natanggap bilang Umagang Kay Ganda host, mula sa PMPC Star Awards for TV.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/21/2019 9:45 AM
EXCLUSIVE: Ariella Arida, sinabing nakakatulong ang mga kritisismo sa kaniyang pagho-host


Photo credit: @araarida IG

Proud bilang isa sa mga hosts ng morning show na Umagang Kay Ganda si Ariella Arida, matapos silang makatanggap ng parangal sa nakalipas na PMPC Star Awards.

Aminado ang dating beauty queen na nakakatanggap siya noon ng mga kritisismo sa kakayahan niyang mag-host. At para sa kaniya, nakatulong ito para mas maging mahusay siya sa naturang larangan.

"Naiintindihan ko sila (netizens) lahat doon naman nagsisimula. Tine-take ko siya as positive and it helps din kasi sila ang nakakapanood sa akin.

"So ako naman I see to it na through time may pag-i-improve at may mga natututunan ako sa mga ginagawa ko," paliwanag niya sa interview ng PUSH.

Kasama si Jeff Canoy, dumalo at tinanggap nila ang parangal ng Umagang Kay Ganda bilang Best Morning Show Hosts sa 33rd PMPC Star Awards for TV.

Malaki rin ang pasasalamat ni Ariella sa naturang show dahil pinagkatiwalaan siya kahit na baguhan pa lamang siya sa pagho-host.

"In fairness sa kanila pinagkatiwalaan nila ako na gawin ang isang segment, kahit nung una baguhan ako sa show at live pa 'yon.

"Kumbaga, the more nila ako binibigyan ng tiwala, the more ako nabibigyan ng confidence sa sarili ko. And at the same time, through that mas nahahasa yung skill ko as pagiging host," ani Ariella.

 

 

Bukod sa UKG, mapapanood din si Ariella gabi-gabi sa teleseryeng The Killer Bride.