• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, nagbigay update sa BFF at soon-to-be bride na si Angel Locsin

Dimples Romana, nagbigay update sa BFF at soon-to-be bride na si Angel Locsin

Ibinahagi din ni Dimples na excited na siya para sa MMFF movie niya kasama sina Vice Ganda at Anne Curtis.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/21/2019 9:29 AM
Dimples Romana, nagbigay update sa BFF at soon-to-be bride na si Angel Locsin


Photo credit: @dimplesromana IG

Nagbigay update si Dimples Romana para sa 2019 Metro Manila Film Festival movie nila ni Vice Ganda kasama si Anne Curtis na The Mall, The Merrier.

Sa naging kuwentuhan natin kay Dimples, hindi niya natiis na sabihin ang kanyang role sa inaabangan na pamaskong pelikula ngayong taon.

 

 

“My name will be Tita Moody (laughs) moody kasi ako doon eh” patikim na kuwento niya.

Sabi pa ng aktres, tapos na ang kanilang pelikula, na masasabi niyang regalo niya sa mga manonood ngayong Pasko.

“We’ve finished already and I’m so excited because masaya itong pelikulang ito, masaya na may puso,” dagdag ni Dimples.

Bukod sa usapang pelikula, isa rin sa napagkuwentuhan ang malalapit na kaibigan na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Nakapagpahinga na ang future bride na si Angel at handa nang harapin ang wedding preparations nila ni Neil.

“She’s opting to rest a little bit actually, hindi pa nga pahinga kasi aasikasuhin niya ang kasal nila. I’m just here to support her, we have lots of friends lalo na ang bridesmaid at maid of honor nya na tutulong sa kanya and she knows that naman,” pahayag ni Dimples.

Bukod sa pelikula ngayong Pasko, araw-araw pa rin napapanood si Dimples bilang si Daniela Mondragon sa afternoon Kapamilya series na Kadenang Ginto.