• Home
  • Fresh Scoops
  • Chie Filomeno, muling bumanat kay Dawn Chang: ‘Bakit parang nilaglag mo kami?'

Chie Filomeno, muling bumanat kay Dawn Chang: ‘Bakit parang nilaglag mo kami?'

Walang balak na makipag-ayos sa ngayon ang GT member na si Chie Filomeno sa dating kasamahan na si Dawn Chang.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2019 7:28 PM
Chie Filomeno, muling bumanat kay Dawn Chang: ‘Bakit parang nilaglag mo kami?'


Photo credit: @chiefilomeno (L) & @thedawnchang (R) on Instagram

Tila di pa napapanahon na magkaayos  sina Chie Filomeno at dating ka-grupo sa GirlTrends na si Dawn Chang.

Sa naging panayam kay Chie sa naganap na Star Magic Halloween party sinagot ng GT member ang ilan sa mga naging tanong sa kanya hinggil sa patutsadahan umano nila ni Dawn sa social media.

READ: Chie Filomeno, may sagot nga ba sa pasaring ni Dawn Chang sa ‘Showtime’?

“I think baka naman talaga para sa mga contestants ‘yun,” tugon ng dalaga sa panayam. 

“Pero kung sa amin, I just want to say na kasi naging part rin siya ng group namin. Parang the way she talks, parang hindi siya naging parte ng isang grupo,” patuloy pa ni Chie.

Ayon pa sa aktres, walang pagkakataon para makapag-usap sila ni Dawn ng personal dahil biglaan na lang rin ang naging pag-alis nito sa kanilang grupo.

“Hindi kami nag-uusap at all, after niya umalis ng GirlTrends, wala siyang kinausap, na aalis siya, or wala siyang pasabi na aalis siya, nagulat nalang kami na nasa vLog na niya,” ani Chie.

At kung tatanungin kung bibigyan ng pagkakataon maayos muli ang kanilang pagkakaibigan, “no” ang mabilis na tugon nito.

“Parang I want to be honest. No. Just No (laughs) Wala na e’, kasi grabe na ang lamat na nilagay, so I’d rather not to be plastic about it,” paliwanag pa niya.

Aminado din si Chie na masama ang loob niya sa mga naging pangyayari.

“Siguro, kasi grupo nga e’, pero bakit parang nilaglag mo kami,” aniya.

Dahil sa mga inaaning pangungutya sa social media, nanatiling positibo parin ang grupo sa kanilang ginagawang performances.

“Oo positive na lang. Just positive about it and we take it as (constructive) criticism,” sabi pa niya.

“It’s  a lesson, things happen for a reason and it’s just that na mas mag-aaral kami ng mabuti, dahil hindi naman everyday is a good day and we’re not perfect, so everyday is a learning process.”

At kung tatanungin rin kung apektado pa ba sila sa mga negatibong komento ng netizens, "Parang immune na rin e’, pero happy lang na ang GirlTrends ay nasa safe place ngayon,” pahayag pa niya.

Bukod sa pagiging bahagi ng GT sa “It’s Showtime,” abala rin si Chie sa kanyang iba pang showbiz commitments.