• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villarroel nakiusap na ‘wag sila ikumpara ni Kris Aquino

Carmina Villarroel nakiusap na ‘wag sila ikumpara ni Kris Aquino

Dahil sinasabing ang pelikula niyang '‘Sunod’ ang kapalit disqualified horror film na ‘Kampon’sa MMFF, marami ang pinagkukumpara umano sina Carmina at Kris.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/21/2019 10:16 AM
Carmina Villarroel nakiusap na ‘wag sila ikumpara ni Kris Aquino


Hindi na halos matandaan ni Carmina Villarroel ang huling horror film na ginawa niya noon kaya masayang-masaya siya na nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang "Sunod" from Ten17P.

“Ang huli ko pa ata ay 'Shake Rattle & Roll II' sa Regal, MMFF din yon. Sobrang tagal na. Dalaga pa ako noon at ngayon dalaga na ang anak ko,” natatawang pagre-recall ni Carmina about her last filmfest movie.

Ang pelikulang "Sunod" ang pumalit sa slot ng Kampon ni Kris Aquino na na-disqualify sa MMFF dahil hindi naging available for shooting ang original leading man ni Kris na si Derek Ramsay na eventually ay pinalitan ni Gabby Concepcion.

Kuwento ni Carmina, “Nung in-offer nila sa akin ‘to, sinabi nga nila na for filmfest ito kaya nga ang aga naming nag-shoot. Kasi nung nagsusyuting na kami in-announce na yung first 4 hindi kami nakapasok, so lahat kami, ‘Ay… pero hindi, hindi, may pag-asa pa, i-submit natin yung finished product.’

“Hindi naman sa ano, but I’m really confident with our movie, with the story itself saka iba yung atake ni direk sa horror na ito, eh, so medyo slight confident ako na, ‘Kaya ‘to’ kasi it’s really something new, eh.

“Pero sabi ko nga, kahit maganda  kung ang dami-dami rin namang magaganda hindi ka rin makakapasok. So lahat kami, okey, kung ano lang yung gusto ng producer ko, 'yon na lang yung pinagdadasal ko.”

Nag-message din daw sa kanya ang Ninang Kris niya na sana ay ang pelikula niya ang makapasok sa slot na mababakante ng "Kampon."

“Magka-text kami ni Ninang Kris kasi nga nag-message ako sa kanya regarding that tapos sumagot siya, sabi niya sa akin, ‘Sana inaanak kayo yung makapasok do’n.’ ‘Ay naku Ninang, sana nga magdilang-anghel ka.’ So nagdilang-anghel nga siya.

“Nag-congratulate din siya sa akin, so alam ko naman ng sincere at very… siyempre mabait si Ninang Kris, kahit hindi kami nagkikita alam ko na inaanak niya ako. Alam ko na mahal niya ako at alam ko na sincere yung kanyang pagko-congratulate sa akin,” lahad pa ng actress/TV host.

Nakakaramdam ba siya ng pressure na horror film ni Kris ang kanyang pinalitan?

“Ay, huwag na lang nilang i-compare,” reaksyon niya. "Kumbaga, iba siya, iba ako, di ba? Wala naman sigurong dapat i-compare because  nagkataon lang na parehong horror yung amin. At saka hindi lang naman kami yung horror na pinagpilian, meron ding iba pa.

“Ayokong mag-isip ng pressure or ng expectations kasi ayokong maglagay ng pressure sa akin na, ‘Ah, ako yung pumalit kay Kris Aquino.’ Hindi, wala kasi dapat ganun, dapat walang ganun. Wala akong pinalitan, wala akong… wala.

"Basta ako nag-enjoy lang saka first time ng director namin na ma-experience ang Metro Manila Filmfest, and ako naman, like I said, dalaga pa ako nung huli akong nag-filmfest,” nakangiti at huling pahayag ng aktres.