• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gallo, hindi raw true love ang namagitan sa kanila ni Juliana Gomez

Marco Gallo, hindi raw true love ang namagitan sa kanila ni Juliana Gomez

Naniwala si Marco Gallo na hindi pupuwede sa kanila noon ni Julian Gomez ang long distance relationship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/20/2019 11:25 AM
Marco Gallo, hindi raw true love ang namagitan sa kanila ni Juliana Gomez


Ayon mismo kay Marco Gallo, hindi raw true love ang namagitan sa kanila ni Juliana Gomez, anak nina Richard Gomez at Lucy Torres. Ito ang kanyang inamin sa ilang entertainment press na dumalo sa kanyang contract signing sa Viva bilang newest artist ng Viva Artists Agency (VAA).

Kung totoo raw kasi na true love ang kanyang naramdaman ay hindi sila kaagad naghiwalay at maaaring sila pa rin hanggang ngayon. Naikuwento rin ng Fil-Italian ex-PBB teen housemate na tatlong buwan lang sila ni Juliana.

Aniya, “I believe, I didn’t find love, like real love yet. It could be like a crush thing, it could be a temporary thing, but the real love, I don’t know what it is yet.

“I don’t have an explanation for it. Probably because I’m too young or probably it’s just I didn’t find it yet. Pero, siguro naman, kung totoong pagmamahal namin noon ni Juliana, eh, di kami pa rin ngayon, di ba?”

Paniwala din ni Marco ay hindi pupuwede sa kanila ni Juliana ang LDR (long distance relationship) kaya silang dalawa na mismo ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang relasyon nung time na bumalik ng Italy ang binata.

“Alam n’yo naman po na ang mga bata ay pabago-bago ng isip (he’s 18 and she’s 19). So, alam na namin ‘yun. Sabi namin, ‘Mahirap ‘to, kapag nag-LDR tayo, baka magbago ng isip na ayaw na natin, eh mas maganda naman sa personal kaysa sa cellphone.’

“So, sa personal na namin inunahan. Even at that time, masakit. Kasi siyempre…” lahad pa niya.

Wala ba siyang balak balikan si Juliana lalo pa ngayong mananatili na siya sa Pilipinas para sa possible projects na gagawin niya sa Viva?

“Wala na, eh. Tapos na yon, closed chapter na,” diretsong sagot niya.

Samantala, ayon pa rin kay Marco,naging maayos ang pagpapaalam niya sa Star Magic para lumipat sa Viva. Nag-expire ang kanyang kontrata nitong August 2019 at hindi na niya itoni-renew.

“They were like, ‘If that’s what you want, if that’s what makes you feel good and makes you happy, we’re not going to stop you.’ Even if it’s like, hindi tapos ang contract, ganu’n sila kabait na kung du’n ka masaya, papayagan ka naman nila,” kaswal niyang pahayag.