• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, ibinuking ang kuwento ng bagong love life ni Karla Estrada

Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, ibinuking ang kuwento ng bagong love life ni Karla Estrada

Ikinuwento nila Jolina Magdangal at Melai Cantiveros kung paano nagsimula ang bagong love life ngayon ng kanilang momshie co-host na si Karla Estrada.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/20/2019 12:10 PM
Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, ibinuking ang kuwento ng bagong love life ni Karla Estrada


Mula sa Tipsy Pig bar and resto, ditelyadong ikinuwento nila Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang unang pagkakakilala nila Karla Estrada at ang rumored boyfriend nito ngayon na pinangalanang 'Jam'.

Sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, nakakaaliw na 'ibinalita' ang unang paglapit ni Jam kay Karla sa loob ng nasabing bar and resto.

"Dito kasi nagsimula ang lahat, ang pag-iibigan ng aming momshie. Ang pag-iibigan ng KarJam," birong sabi ni Melai.

Panoorin ang video dito:


READ:Is he Karla Estrada’s new ‘inspiration?’

READ: Karla Estrada on vacation with rumored BF in Palawan

Habang wala si Karla sa naturang episode dahil sa 'emergency' o 'momshie duties', sinamahan naman nila Barbie Imperial at Marco Gumabao ang mga momshie hosts, bilang mga guests at part-owners ng Tipsy Pig.

Maaalalang nitong August unang nakita ng publiko ang rumored boyfriend ng momshie host. Kamakailan, ay spotted din ang dalawa sa ilang Instagram posts na magkasama sa bakasyon sa Palawan.

Isang video din ang nagpakita ng sweet moments ng dalawa habang nasa dressing room, mula sa YouTube Channel ng writer ng morning talk show.