• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Culion’ producer Shandi Bacolod, amindong nagamit si John Lloyd Cruz

‘Culion’ producer Shandi Bacolod, amindong nagamit si John Lloyd Cruz

‘Culion’ producer Shandi Bacolod, ipinaliwanag kung paano nasama sa teaser trailer si John Lloyd Cruz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/20/2019 11:17 AM
‘Culion’ producer Shandi Bacolod, amindong nagamit si John Lloyd Cruz


Photo Credit: @shandiijossa on IG

Isa ang historical-drama film na Culion sa masuwerteng nakapasok sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival. Ang Culion ay pinagbibidahan ni Iza Calzado na isa rin sa producers ng pelikula.

During the MMFF announcement, marami ang nag-i-expect na papasokang pelikula ni Nora Aunor na Isa Pang Bahaghari, but luckily, ang Culion na isang underdog ang napili.

“To be honest po, part of the staff and actors po ng Bahaghari are my friends and my colleagues and I have so much respect with them,” initial reaction ni Shandi Bacolod na isa rin sa producers ng Culion.

Hindi rin daw siya makapagbigay ng comment sa pagkalaglag ng Isa Pang Bahaghari ni Nora dahil idolo niya ito.

“Hindi ako makapag-comment kasi siyempre idolo ko si Ate Guy and I’m a Noranian and I have so much respect (sa kanya). So with what happened nung 2016 na nagkasakitan kami ni Ate Guy, ako naniniwala po ako, basta may pelikula po si Ate Guy, festival man o hindi, it will be a very important film,” giit pa ng film producer.

Naging very controversial ang Culion bago pa man ang MMFF announcement dahil sa paglabas sa trailer ni John Lloyd Cruz. Sa tingin ba niya ay nagamit ang aktor para mas makapag-create ng awareness sa mga tao ang kanilang pelikula?

“Tama naman din po talaga na nagamit siya. Kasi once you’ve become an actor, you become part of the… parang ano siya, eh, kumbaga an entity will have an exploitation rights with you, pag nakapasok ka sa picture.

“So in a way, tama naman po yung term na ‘nagamit’ talaga si John Lloyd. Pero kailangan ko pong linawin na we always respected his request na huwag siyang i-focus sa promo kaya after po na nilabas yung teaser ang daming tumawag sa akin to do a sit down interview and I’ve always said na John Lloyd will not do an interview because he’s not part of the lead cast of Culion and he doesn’t have an obligation to promote our film,” pahayag ni Shandi.

Dagdag pa ng producer, tinanggap ni John Lloyd na mag-cameo sa Culion dahil sa kaibigan niyang si Meryll Soriano na nakasama niya noon sa pelikula ni Direk Erik Matti na Honor Thy Father.

“Kaya lang po siguro na-slant at na-headline na comeback film niya is because John Lloyd is John Lloyd and he’s a brand. Pangalan pa lang niya matataranta ka na talaga,” katwiran niya.

“Sabi ko nga, kahit hindi ko ilagay si John Lloyd sa ending, ilagay ko siya sa umpisa o sa gitna, ipo-post yon ng mga tao at magkakagulo sila na nakita nila si John Lloyd.

“Actually, before po naming ilabas yung trailer nag-communicate po kami sa kanya kaya lang nalaman namin na he’s on a vacation, nasa Amerika siya. May rules kasi na kapag nasa bakasyon siya, ayaw niya na ginugulo siya so nag-respect kami don.

“I called Iza, I called Meryll, everyone involved sa kanya na,‘Guys, I’m putting John Lloyd sa teaser, what do you think, baka magalit siJohn Lloyd?’ So we all decided na, okay let’s use it. At dahil nga MMFF is a business bukod pa sa pagso-showcase ng quality films, kumbaga, lahat ng bala mo, lahat ng alas mo ilabas mo na,” patuloy niyang paliwanag.

Samantala, inaayos na ng Team Culion ang schedule kung kailan nila puwedeng kausapin si John Lloyd at umaasa sila na mapagbibigyan sila ng aktor.