Bimby Yap, walang balak pumasok sa showbiz

Ayon mismo sa anak ni Kris Aquino na si Bimby, mas gusto niyang tahakin ang pagnenegosyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/20/2019 11:51 AM
Bimby Yap, walang balak pumasok sa showbiz


Dumalo sa 33rd PMPC Star Awards ang dalawang anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Josh, para tanggapin ang bagong parangal ng ina na Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

"Again my heartfelt and warmest THANK YOU PMPC for the Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Thanks kuya josh & bimb!" ayon sa caption mismo ni Kris sa kaniyang Instagram post.

Sa interview ng press, inamin ni Bimby na parehas na proud at kinakabahan siya sa pagtanggap ng parangal.

Samantala, sa parehong interview kay Bimby itinanggi niya ang balak na pagpasok sa showbiz o maging internet personality katulad ng kaniyang ina.

"I like business, stocks, investing, advertising... I don't have social media [din] kasi po," paliwanag ni Bimby.

READ: Mga Kapamilya Stars, wagi sa 33rd PMPC Star Awards for Television

Mapapanood ang delayed telecast ng 33rd PMPC Star Awards for Television sa ngayong Linggo, sa Sunday's Best.