• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, inamin na minsang napagod sa ‘It’s Showtime’

Vice Ganda, inamin na minsang napagod sa ‘It’s Showtime’

Dumaan rin sa punto si Vice Ganda na naisip niyang hindi na siya nakakatawa.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/2/2019 1:59 PM
Vice Ganda, inamin na minsang napagod sa ‘It’s Showtime’


Sa ika-sampung anibersaryo ng It's Showtime, inamin ng isa sa mga host nito na si Vice Ganda na minsang sumagi sa kanyang isipan na iwanan na lang ang Kapamilya noon time show.

"After the first season or after the first year, nagpaalam na ako. I felt so tired," tugon ni Vice sa press sa naganap na anniversary presscon nitong Lunes, September 30.

"Ito 'yung mga panahon na araw-araw sample, araw-araw required ako mag-isip nang may nagtext naubos ako. Feeling ko talaga, naubos ako kasi hindi ako sanay sa showbiz, parang nabigla ako sa bilis nang pagbabago sa buhay ko na hindi ko nasabayan."

Kasabay ng biglang kasikatan dahil sa Showtime, inamin rin ni Vice na malaking adjustment rin sa kanyang buhay ang kanyang ginawa noon.

"Feeling ko hindi ako makalabas ng bahay, hindi ako makapag-jowa, hindi ako maka raket, hindi ako maka concert sa ibang bansa kasi dapat araw-araw ka nasa Showtime, tapos napagod talaga ako nang pagod na pagod," sabi pa niya.

Inamin rin ng 'Showtime' host ang kawalan niya ng tiwala sa sariling kakayahan na makapag patawa ng mga manonood.

"That time, hindi ko nakikita ang purpose nang pag-so-Showtime ko, akala ko raket ko lang ang 'Showtime' and may kita. That time 5,000 Php a day ang sweldo ko, so wala kang personal assistant, wala kang make-up artist, wala kang hair stylist, ako (lahat) wala kang stylist, damit, hindi naman uso ang stylist. So sabi ko 'parang its not worth it' 5,000 Php a day parang luge ako," ani Vice.

"Pagod na pagod talaga ako tapos feeling ko hindi ako nakakatawa, feeling ko wala na akong maisip na mapapatawa pa, parang lahat ata ng jokes, naubos ko noong year na 'yun, kaya sabi ko hindi na po ako magiging effective kasi ubos na ako, tapos feeling ko tlalaga hindi na ako nakakatawa."

Pagalala pa ni Vice, minsan siyang nag paalam sa programa para bumalik sa comedy bar kung saan siya unang nagsimula.

"Sabi ko 'kailangan ko nang bumalik sa comedy bar, para ma-practice ako, kasi feeling ko na-ngalawang ako kasi hindi na ako nagko-comedy bar, so gusto kong mag comedy bar na lang tapos regular guesting pero 'yung regular show ayoko na muna," aniya.

Dahil sa nabuong relasyon sa mga kasamahan sa Kapamilya noontime show, nagdesisyon si Vice na bumalik sa programa.

"Na miss ko ang 'Showtime', na miss ko si Anne, si Anne talaga. Noong umiyak ako sabi ko 'Nasanay na ako na nakikita ko na si Anne Curtis' parang ayoko nang hindi ko kasama si Anne Curtis, si Anne ang malaking rason noon kung bakit ko gusto bumalik ng 'Showtime.'"

Kasabay ng kanyang pagbabalik, alam na rin ngayon ni Vice ang halaga sa kanya ng It's Showtime.

"Pero ngayon talaga, nasa punto ako na hindi ko kayang mawala sa 'Showtime', at hindi ko kayang mawala ang 'Showtime' sa buhay ko, ikamamatay ko. Nakuha ko na 'yung halaga niya sa buhay ko," pahayag ni Vice.