• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla, dinipensahan ang desisyon ni Mariel Rodriguez na manganak sa Amerika

Robin Padilla, dinipensahan ang desisyon ni Mariel Rodriguez na manganak sa Amerika

Para kay Robin Padilla, walang masama kung sa Estados Unidos manganak ang asawang si Mariel Rodriguez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2019 11:07 AM
Robin Padilla, dinipensahan ang desisyon ni Mariel Rodriguez na manganak sa Amerika


Photo credit: @marieltpadilla IG

Kamakailan ay nag-post ang It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez-Padilla ng update tungkol sa kanyang idinadalang si baby Gabriela at hiniling din niyang ipagdasal ang kanyang pagsilang sa kanyang pangalawang anak sa Amerika.

 

 

Dito naman nag-ugat ang mga sari-saring komento ng netizens at ang ilan ay sinabihang ‘hipokrito’ ang kanyang asawang si Robin Padilla na kilala sa pagiging makabayan niya at ginagatasan lamang nila umano ang mga benepisyong nakukuha ng isang US citizen.

Tikom man si Mariel sa isyu, dumepensa naman ang action star at sinabing walang ‘ilegal’ o masama sa desisyon ng kanyang asawa na manganak sa Amerika dahil siya ay US citizen at sinabi rin nito na hindi sila nagtataksil sa bayan.

"Ang pagiging Filipino-American ay hindi pagtataksil sa Inangbayan lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing Native American. Mas Amerikano pa kami sa inyong pa Inglis-Inglis at nakatira diyan sa Estados Unidos,” ani Robin.

"Mas Pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si Gabriela Silang ng Abra at sa lolo ko na Kapitan Pablo ng Nueva Ecija ay lumalangoy na kami sa pag-ibig sa bayan na ito,” dagdag pa niya.

Hindi man sigurado kung nakatira sa Amerika ang kanilang basher, idiniin pa rin ni Robin sa kanyang argumento na malaya si Mariel at may karapatan siyang magdesisyon kung saan niya gustong manganak.

"Ang babata pa ng mga opinyon ninyo at puro na puna at paghusga. Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil Amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa Amerika at karapatan ko at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas!"

"Wala kayong mga magawang tama subukan ninyo magligpit ng kama ninyo at ipaghanda niyo ng almusal mga magulang niyo. If you can't say or do something positive to others, at least do something good for yourself."

Ang kanilang panganay na anak na si Maria Isabella ay ipinanganak rin sa Amerika.