• Home
  • Fresh Scoops
  • Paano napili sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para magtambal sa ‘Isa Pa With Feelings’?

Paano napili sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para magtambal sa ‘Isa Pa With Feelings’?

Ipinaliwanag ni Direk Prime Cruz kung paano niya napili sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para sa kaniyang bagong pelikula na ‘Isa Pa With Feelings’.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/2/2019 7:01 PM
Paano napili sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para magtambal sa ‘Isa Pa With Feelings’?


Sa kabila ng pagkakaroon ng magkaibang mother network, nagsama at nagtambal para sa rom-com movie sina Maine Mendoza at Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings. Sa naganap na media conference nitong Lunes, September 30, ipinaliwanag ng direktor na si Prime Cruz kung paano niya napili ang dalawa para sa bagong pelikulang ito.

“In terms of casting, si Maine kasi very expressive so naisip namin na bagay siya [sa role]. Yung mga deaf kasi na-aappreciate nila kapag yung expressive ka kasi siyempre hindi naman nila naririnig yung tono ng boses mo so parang bagay talaga siya for the role,” paliwanag ni Prime.

Gaganap si Maine bilang Mara, ang babaeng tuturuan ng sign language ng deaf teacher na si Gali, na gagampanan naman ni Carlo.

“Kay Carlo naman, parang feeling ko siya yung makakapag deliver kahit hindi nagsasalita. Siguro konti lang rin yung artista na may kaya no'n, and si Carlo kayang kaya rin,” papuri ng direktor.

Bilang unang beses na magkatrabaho para sa pelikula, nagkaroon daw muna ng familiarity workshop sina Maine at Carlo.

Nang tinanong naman ang dalawa kung may intimate scene silang ginawa para sa pelikula, sinabi nila na hanggang holding hands at "beso" lang ang na-shoot nila.