Judy Ann Santos, tampok sa international book fair sa UAE

Kabilang ang Kapamilya star na si Judy Ann Santos sa 20 Pinoy authors na tampok sa isang international book fair sa United Arab Emirates (UAE) itong Nobyembre.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2019 6:49 PM
Judy Ann Santos, tampok sa international book fair sa UAE


Kabilang ang Kapamilya star na si Judy Ann Santos sa 20 Pinoy authors na tampok sa isang international book fair sa United Arab Emirates (UAE) itong Nobyembre.

Sa kanyang pinaka-unang book fair na gaganapin sa Sharjah sa Nobyembre 4 ay lalahok ang aktres sa isang cooking demo at book signing ng kanyang libro na Judy Ann's Kitchen.

"20 Filipino authors ang invited by the Royal Highness of Sharjah, and how could you say no? Two days of cooking demo and book signing. It's a first for Judy Ann's Kitchen. It's a first for me. I'm so excited," ani Judy Ann sa panayam ng TV Patrol.

Maliban sa nasabing event, nakatakda ring pangunahan ni Judy Ann ang Philippine contingent sa Busan International Film Festival sa South Korea ngayong buwan kung saan tampok ang pelikula nila ni Brillante Mendoza at Allen Dizon na Mindanao.

"First time ko magre-red carpet internationally. Of course, I want it with my husband. It's my first movie with direk Brillante. Ito pa lang 'yung movie na ginawa ko na talagang napaka-raw.  'Yung as in, no makeup, kung may tigyawat, 'di may tigyawat. Namayat ako talaga sa pelikula na happy-ng happy naman ako," pabirong sabi ni Juday.

"Madrama 'yung pelikula tsaka kakaiba siya sa mga ginawa ni Judy Ann. That I can assure," ani naman ni Brillante.

Bukod sa BIFF, tampok din ang Mindanao sa Tokyo International Film Festival na gaganapin sa Japan mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5.

Samantala, ipapalabas na ang kanyang comeback teleserye na Starla sa Primetime Bida block simula Oktubre 7, kapalit ng The General's Daughter.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

84 days before Christmas! ☃️ 5 days to go na lang, mapapanood na ang #Starla ⭐️

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

 

Sa kaparehong interview, sinabi ni Judy Ann na malaki ang kanyang pasasalamat sa sunod sunod na milestone niya ngayong taon.

"The things that I'm doing are the things that I really love to do, that won't take much of my time away from my family. Napipili ko siya. Kumbaga, nakakamada ko 'yung sarili ko na icha-challenge ko 'yung sarili ko at some point na, 'Push mo pa nang ganito. Pwede pa 'yan. Hindi ka na bata. Achieve-in natin 'yung mga roles na gusto mo magawa," aniya.