• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kim Molina, di pa din makapaniwala na certified hit ang ‘Jowable’

EXCLUSIVE: Kim Molina, di pa din makapaniwala na certified hit ang ‘Jowable’

Kim Molina, masayang-masaya sa tagumpay na nararanasan ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2019 11:41 AM
EXCLUSIVE: Kim Molina, di pa din makapaniwala na certified hit ang ‘Jowable’


Aminado ang singer-actress na si Kim Molina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya na naging box-office hit ang launching movie niyang Jowable sa Viva Films na nagsimulang ipalabas noong September 25. Kumita na ang pelikula ng halos P50M and still counting.

“Hindi pa po (nagsi-sink in) pero ngayon po kasi… hindi ko po alam, eh, lumulutang pa po ako ngayon,” masayang reaksyon ni Kim sa ginanap na victory party ng Viva Films para sa cast ng Jowable.

“Sobrang saya ko po kasi mas nasa utak ko po yung nandito lahat ng family ko. Yung dad ko lumipad dito from Saudi, yung parents ko do’n nakatira and they flew in just to be in the premiere night, tapos last show namin for Rak of Aegis. So, for one whole week sobrang saya ko lang po,” dagdag niyang reaksyon.

Naisip ba niya na kikita ang Jowable?

“I had high hopes. Sobrang… kasi ngayon naniniwala po ako na our audience, they are very intelligent now, because mas open na ang audience ngayon sa iba’t ibang konsepto ng pelikula, ng series, sa iba’t-ibang platform like netflix. Ganun din yung nakita ko when I read the script first hand.

“Sabi ko, ‘Uy, parang ganito ‘to, kumbaga it’s different, although sasabihin ng iba na parang ganun din, hugot film din siya, but at the same time kasi it’s real like the way my character talks to other characters, such the way you would talk to your friends outside your house.

“Nakakatakot din lang kasi siyempre marami pong batikos na maririnig diyan kasi bago, eh. First time sa sinehan na magkaroon ng ganun kalutong na mga mura at saka ganun ka-intense na mga sitwasyon,” paliwanag ni Kim.

Malaki rin daw ang pasalamat nila sa MTRCB na hindi masyadong hinigpitan ang kanilang pelikula.

“We’re very thankful sa MTRCB kasi nakita nila yung mas deeper meaning of the film, na hindi lang yung words, so ayun,” lahad pa niya.

Eh, ano naman ang pakiramdam na isa na siya sa itinuturing na bankable comedy actress sa pelikula?

Tila nahihiya niyang sagot, “Hala… grabe naman. Yon lang daw yung nasabi ko po. Hahaha!”

Dugtong niya, “Ako po, kaya rin po ako natutuwa na successful po yung movie kasi kumbaga, I started the idea, this movie started the idea to give more opportunity to actors like me na hindi naman sikat. Kasi marami po kami, especially us from theaters, a lot of us na puwedeng mabigyan ng opportunities na kumbaga, maisip ng mga producers and directors na, ‘Why not give this person a chance kasi this person has something.’

“So, from this movie, by this movie, mabibigyan din sia ng chance kaya rin po ako natutuwa. Of course, I’m not going to be a hypocrite to tell everyone na, ‘It’s not just me, it’s not just me. Siyempre meron din po tayong, ‘Ah, pangarap ko din ito, gusto ko rin itong makamit.’ But at the same time, I also think of my group of friends po kasi na they’re all very talented, so mabibigyan din sila ng chance, so maraming work, maraming actors, mas sasaya,” pahayag ni Kim sa interview ng PUSH.