• Home
  • Fresh Scoops
  • Elaine Duran, nag-react sa mga bashers na kinukutya ang kanyang pagkanta at mukha

Elaine Duran, nag-react sa mga bashers na kinukutya ang kanyang pagkanta at mukha

Elaine Duran, sinabihang kinokopya sina Regine Velasquez, Morissette Amon, at Kyla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2019 1:43 PM
Elaine Duran, nag-react sa mga bashers na kinukutya ang kanyang pagkanta at mukha


Matapos manalo sa latest season ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ay aminado naman si Elaine Duran na nag a-adjust pa lamang siya sa kanyang bagong buhay at hindi na rin maiiwasan ang bashers ngayon kung saan kinukutya ang kanyang mukha at ang kanyang pagkanta.

Sa Tonight with Boy Abunda ay sinabi naman ni Elaine na ayaw naman niyang pagsalitaan sila ng masama.

“I’m adjusting po, iniisip ko na this is for my dream so kailangan kong maintindihan na hindi lahat ng tao kaya mong i-please at kayang mahalin ka as what you are talaga,” kwento niya.

“Ayaw ko naman pong magsabi ng masasama sa kanila, sana i-bless sila ni Lord, sana pagpalain pa sila ni Lord, sana ma-feel nila ‘yung love ni Lord para hindi na sila makapagbigay ng negative na vibe sa ibang tao,” dagdag niya.

Sinasabi naman ng ibang tao na ginagaya niya umano sina Regine Velasquez, Morissette Amon, at Kyla.

“Lahat naman po siguro ng singers lalo na po pag hindi pa pro na level talagang may nilu-look up silang singers or influence,” paliwanag niya at para sa kanya, inspirasyon niya si Kyla.

WATCH: Elaine, may mensahe sa bashers na nagsasabing kinokopya niya sina Kyla, Morissette at Regine

Sa ngayon ay may problema siya sa kanyang boses ngunit hindi pa siya palagay kung magpapa-opera siya. Kanya ring ikinuwento na inabot siya ng pitong beses sa pag-audition bago makapasok sa Tawag ng Tanghalan.

Para sa kanya, hindi siya nagpatinag at nawalan ng lakas ng loob dahil daw sa kanyang nanay.

Ilan sa napanalunan ni Elaine noong nakaraang Sabado, Setyembre 28 ay P2 milyon cash prize, house and lot, at recording and talent contract.