• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon, matagal nang gustong mag military training at ‘di lang nakikiuso

Ejay Falcon, matagal nang gustong mag military training at ‘di lang nakikiuso

Noong 2015 pa daw naisip ni Ejay Falcon na mag-training sa military.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2019 11:46 AM
Ejay Falcon, matagal nang gustong mag military training at ‘di lang nakikiuso


Nitong Agosto, 2019 ay sumailalim si Ejay Falcon sa basic Citizen Military Training (CMT) under the Air Force Reserve Command of the Philippine Air Force. Nakumpleto niya ang training in 30 days kaya isa na siyang ganap na reservist ngayon ng Philippine Air Force.

Ayon sa bida ng Sandugo, matagal na niya talagang planong mag-volunteer sa army.

Aniya, “Taong 2015 pa noong gumawa kami ni Coco (Martin) ng MMK (Maalaala Mo Kaya), ‘yung SAF 44? Nag-train ako sa kanila, sa PNPA, 2 days or 3 days yata ako ro’n na naka-lock in.

“Nung na-experience ko ‘yung buhay nila, sabi ko, gusto ko talagang maging sundalo, gusto kong maging pulis. Pero that time, wala pang mga ganyan, wala pang mga reservist, pinost ko lang siya.”

Naayos naman daw ang kanyang schedule kaya hindi nagkaproblema sa kanyang training.

May mga pinadala kaming tanong kay Ejay thru cellphone at kaagad naman niyang sinagot ang mga ito.

Ano ba ang rank mo ngayon?

“Airman po. Katumbas po siya ng private sa army. Airman Ejay Falcon po ang tawag sa akin.”

Bakit hindi ka naging opisyal or officer?

“College graduates po kasi ang authorized maging opisyal or tulad po nina Senator Manny Pacquiao, honorary graduates po sila ng university.”

Sinu-sino pa ba ang iba niyang kilala na mga reservist sa Air Force?

“Si Ltc Vilma Santos po, Senators Ralf Recto, Loren Legarda, Secretary Mark Villar. Kahit po si Isabel Granada, nasa Air Force din po.”

Kumusta naman ang naging experience mo sa training ng Philippine Air Force?

“Mahirap po, but very fulfilling knowing that what I’m doing will capacitate me to be better-skilled citizen who can respond to disaster, calamities and national emergencies. Nag-undergo po ako ng basic Citizen Military Training which is equivalent to 30 training days.”

Ano ang mga natutunan mo bilang reservist ng Philippine Air Force?

“Napakarami po, bukod po sa basic military skills like firing, water survival, jungle survival, hinasa din po kami sa disaster response.

“Napakaimportante po kasi nito dahi sa Pilipinas napakadaming bagyo na dumadaan, prone po tayo sa earthquakes and other calamities. Kaya dapat marami po sa mga kababayan natin marunong mag-respond sa mga disasters and calamities.”

Ano ang nag-motivate sa iyo na maging reservist?

“Gusto ko lang po makatulong sa bayan, at bilang artista, makakahikayat po ako ng mas maraming mga kababayan natin na mag-volunteer at mag-training bilang reservists.”

Bakit sa Philippine Air Force ka sumali?

“Maganda po kasi ang program and trainings ng Air Force for HADR (Humanitarian Assistance and Disaster Relief) training. Maganda po ang search and rescue trainings nila.”

Nag-reservist ka lang ba dahil yun ang trend ngayon dahil sa nasimulan nina Mateo Guidicelli?

“Hindi naman po, matagal na po ako nakaplano, kasi po may close friend po ako na Air Force reservist na matagal na po akong hinihikayat. Early this year po, nilatag na po namin ang training sessions dahil busy din po sa trabaho. Awa ng Diyos, natapos naman po ang training.”

Ano ang mensahe mo sa mga kababayan natin?

“Hinihikayat ko po ang lahat na mag-volunteer bilang reservists ng AFP particularly po sa Phil. Air Force. Hinihikayat ko din po ang mga kabataan natin na tangkilikin ang ROTC program dahil isa po ito sa mga trainings para sa future reservists. Kailangan po tayo ng ating bayan lalo na sa mga panahon ng sakuna at kalamidad.”

Samantala, kasama ni Ejay sa Sandugo sina Aljur Abrenica, Elisse Joson, Jessy Mendiola, Ariel Rivera, Cherry Pie Picache, Vina Morales at marami pang ba. Nagsimula nang umere ang serye nitong Lunes, September 30, pagkatapos ng Kadenang Ginto sa ABS-CBN.