• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda, nagbigay komento sa isyung pag-unfollow nina Dani Barretto at Bela Padilla

Boy Abunda, nagbigay komento sa isyung pag-unfollow nina Dani Barretto at Bela Padilla

Boy Abunda, sinabing bigyan muna ng panahon sina Dani Barretto at Bela Padilla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2019 1:34 PM
Boy Abunda, nagbigay komento sa isyung pag-unfollow nina Dani Barretto at Bela Padilla


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pag unfollow ng matalik na magkaibigan na sina Dani Barretto at Bela Padilla sa Instagram at umugong ang espekulasyon na may hindi sila pagkakaintindihan ngayon.

Sa Tonight with Boy Abunda naman ay nagsalita ang host na si Boy Abunda tungkol sa isyu at kiumpirmang totoo ngang hindi na sila nagfa-follow sa kani-kanilang Instagram account ngunit mukhang bahagi naman ito ng social media cleansing ni Bela.

READ: Bela Padilla, Dani Barretto unfollow each other on Instagram

“Ang espekulasyon ng ilan, maaaring nakasama rin si Dani sa social media cleansing ni Bela dahil one time noong naging bisita natin si Bela dito sa TWBA, ibinahagi ito ni Bela sa atin last August to be exact, nagbabawas umano siya ng mga taong sinusundan sa social media at last year kasali nga ang kapatid ni Dani na si Julia Barretto sa mga in-unfollow niya,” ani Boy.

WATCH: Tito Boy, nagsalita tungkol sa isyung hindi na magkaibigan sina Bela Padilla at Dani Barretto

Ang personal naman na opinyon ng King of Talk ay maaaring may kinalaman ito sa kanilang relasyon bilang magkaibigan.

“I don’t know what it is but this is the kind of story na sana’y bigyan natin ng pagkakataon ng espasyo itong dalawa na sana’y maayos kung anong dapat ayusin because this is coming from a very deep friendship. This is my guess so tayo’y nakikiusap na sana’y bigyan natin ng chance si Bela at saka si Dani,” aniya.

Bukas naman ang pinto ng TWBA kina Dani at Bela para sa kanilang kwento.