Aga Muhlach at Alice Dixson balik-tambalan sa pelikula

Handang-handa na si Alice Dixson para sa kanyang pagbabalik pelikula sa Nuuk kasama si Aga Muhlach.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/2/2019 1:51 PM
Aga Muhlach at Alice Dixson balik-tambalan sa pelikula


Handang-handa na si Alice Dixson para sa kanyang pagbabalik pelikula sa Nuuk kasama si Aga Muhlach.

Sa naging panayam ng PUSH kay Alice sa special screening ng kanyang bagong pelikula, ibinahagi ng aktres ang kanyang muling pakikipag-trabaho kay Aga na isa sa kanyang mga naging leading man noon sa kanyang mga pelikula.

“I worked with him in our 20s from Batang Ama and Sinungaling Mong Puso,” kuwento pa ni Alice.

Mahabang panahon man nang huli silang gumawa ng pelikula, masaya ang aktres na nanatili pa rin ang kanilang connection nila sa kanilang trabaho.

“Mas matured, kasi siyempre 20 years ago iba si Aga noon, iba rin ako, But we’re still connected in a way because we grew up together,” aniya pa.

Bukod sa balik pelikula, isa rin ngayon si Alice sa mga dumaraming celebrities na aktibo ngayon sa pagiging vLogger.

“It’s doing okay,” ani Alice.

“We really trying to highlight also ‘yung Filipino tourism and also I guess I just like to vLog the things about that I like and may following naman,” proud niyang kuwento.

Dahil mas aktibo ngayon sa social media, aminado si Alice na nababasa niya ang mga komento ng kanyang mga viewers sa kanyang vLog.

“Binabasa ko lahat ng comments, actually if the comments are parang mababaw ang mga comments or much criticism, but I take that criticism to do better,” sabi pa ng aktres.

Bukod sa kanyang vLog, naghahanda rin ngayon si Alice para sa isang paparating na TV project na mapapanood soon.