• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata at Edward Barber, nagkuwento tungkol sa kanilang bakasyon sa Norway

Maymay Entrata at Edward Barber, nagkuwento tungkol sa kanilang bakasyon sa Norway

Ikinuwento rin ni Maymay Entrata at Edward Barber kanilang experience nang masaksihan nila ang Aurora Borealis.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2019 12:04 PM
Maymay Entrata at Edward Barber, nagkuwento tungkol sa kanilang bakasyon sa Norway


Fresh mula sa kanilang workation sa Norway, balik trabaho na muli sina Maymay Entrata at Edward Barber bilang mga host ng unang global singing online search na Starhunt The Global Showdown.

READ: MayWard to host online global singing search

Pero bago harapin ang kanilang trabaho, masayang binalikan nila Maymay at Edward ang kanilang naging experience sa Norway kung saan nasaksihan nila ang aurora borealis.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

😭

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

"Parang usok lang siya noong una, sabi ko 'usok lang naman 'yan, ta's biglang nagkakulay, tapos lumakas ng lumakas, sobrang lakas, sabi ko, 'Hala Dong', para kaming baliw, punta ko dito, pasan ako sa kanya tapos 'yung tatay niya nagpicture sa amin," masayang kuwento ni Maymay.

"Yung dad ko, hindi sanay sa camera, sabi ko, 'Dad ang pangit ng shot mo ulitin natin," sabi pa ni Edward.

"Tapos solo-solo kami ni Edward for 10 minutes po natapos namin lahat ng 'yun solo, kaming dalawa," patuloy ni Maymay.

Dito, binigyang linaw rin ni Edward na nanatili silang magkaibigan ni Maymay sa kabila ng panunukso sa kanilang pagiging malapit sa isa't isa.

"Hindi po... (laughs) 'yung magical talaga 'yung lights. Magical kasi na sa bucket list kasi namin dalawa 'yun," paliwang ni Edward.

Dito, nagbigay payo rin si Maymay sa mga dalaga na huwag maging padalos dalos sa kanilang desisyon na pumasok sa isang relasyon.

“Hindi tsaka lesson na rin 'yun sa mga babae na pag feeling niyo magical na 12 am sasagutin niyo ang mga nanliligaw sa inyo, hindi po 'yan totoo, dapat ramdamin mo tsaka mo siya sagutin pag okay na ang lahat,” pahayag pa ni Maymay.