• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Baron Geisler, magre-reflect sa isang island with wife Jamie ngayong wala na siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

EXCLUSIVE: Baron Geisler, magre-reflect sa isang island with wife Jamie ngayong wala na siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Baron Geisler, gustong makatrabaho ulit si Coco Martin.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2019 11:41 AM
EXCLUSIVE: Baron Geisler, magre-reflect sa isang island with wife Jamie ngayong wala na siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Aminado si Baron Geisler na naging malaking impact sa kanyang showbiz career ang pagiging bahagi niya ng longest-running TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin at napapanood sa ABS-CBN.

“Nakapagbigay siya sa akin ng maraming oportunidad sa pelikula. Kasi nakita nilang nakabalik ako, na napasama sa Ang Probinsyano. Napansin din ulit yung acting ko ng Star Awards kasi nominated ako sa kanila for Best Drama Supporting Actor.

“At saka, isa talaga sa malaking impact sa buhay ko habang ginagawa yung series is yung respeto sa industriya, respeto sa katrabaho, respeto sa mga tao. Kasi ito yung unang na-finish ko na trabaho na walang problema,” pahayag ni Baron sa PUSH.

Nabanggit din ng aktor sa amin na magbabakasyon muna siya pansamantala sa Cebu ngayong wala na siyang taping ng Ang Probinsyano.

Aniya, “Mag-i-island hopping ako, magbabakasyon kasama ng wife ko. Magre-reflect din muna ako. Pupunta kami sa isang isla ni Jamie. Pahinga muna ako ngm ga ilang araw, tapos balik ulit ako sa Manila para gawin yung iba ko pang dapat gawin.

“Kasi hindi naman nagtatapos sa Ang Probinsyano lang, marami pa pong anong, eh.

“Pero talagang laking pasalamat ko sa Dreamscape, kay Sir Deo (Endrinal), kay Mr. M. (Johnny Manahan), Star Magic. And of course, yung gabay ng Diyos sa akin, kasi unang-una hindi ko magagawa yung… magwawala na talaga ako kung hindi ako ginabayan ng Holy Spirit. Hindi naman kasi ako perpekto.”

Aasikasuhin rin muna ni Baron ang ilang advocacies ng kanyang Christian group na kinabibilangan.

“As ambassador of peace, siguro imi-meet kung yung ibang OFWs, pagbigay ng support sa kanila, mga talk, mga symposia. At saka yung support rin sa anti-suicide prevention. Bubuin din naming yung production namin na siguro apat na buwan na naming pinag-uusapan.

“Meron pa rin akong last shooting day with Brillante Mendoza para don sa Bangsamoro, yung sa aming pelikula ni Piolo (Pascual). Tatapusin ko muna yon,” kuwento pa ng aktor sa PUSH.

Umaaasa naman si Baron na kung saka-sakaling kunin ulit siyani Coco ay ibang role naman ang ipagkatiwala sa kanya nito.

“Gusto ko sana, kung kukunin pa rin niya ako, eh, ibang atake naman. Mas maganda sana kung magkakampi naman kami,” sambit niya.

“Ang sarap kasing makatrabaho ni Coco Martin, eh. Professional siya, eh,” dugtong niya.

Samantala, bagama’t hindi siya na-inform nang personal ni Coco about his death sa series ay masaya siya sa naging ending ni Bungo.

“Busy kasi siya, eh. At saka iba yung timeline ng stories namin, eh. Ang tumawag lang sa akin ay yung… ang alam ko hanggang dulo, pero ang alam ko rin pabagu-bago yung kuwento kasi naghahanap sila ng tamang timpla.

“Pero handa naman ako any time. Kasi ang unang usapan namin ni Ms. Dagang (production manager), three months lang ako, three months lang talaga ang kontrata ko do’n, pero naging seven months,” katwiran pa ni Baron.