Barbie Imperial, nagtayo ng negosyo habang nagmu-move on

Kahit na may mga nagpaparamdam, mas pokus daw ngayon si Barbie Imperial sa kaniyang trabaho at negosyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/19/2019 11:56 AM
Barbie Imperial, nagtayo ng negosyo habang nagmu-move on


Photo Credit: msbarbieimperial on IG

'Sosyal' daw ang paraan ng pagmu-move on ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ayon sa mga momshie hosts, sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, October 18.

Sa kaniyang interview, inamin ni Barbie na sumali siya bilang part-owner ng Tipsy Pig bar and resto, sa panahon na nagmu-move on siya mula sa ex boyfriend.

"Yung night na nakasama ko sila Marco (Gumabao), parang first week yon na naging single ako. So naghahanap talaga ako ng gagawin, e yung grupo namin nila Marco talaga yung to-the-rescue sa akin nung night na 'yon," paliwanag ni Barbie kasama ang pinsan at business partner na si Marco.

"For me blessing din na nangyari 'yon, kasi mas naging open ako na [magtayo] ng business, mas naging focused ako sa work ko," pagpapatuloy ng aktres.

Hindi man binanggit kung sino ang tinutukoy na ex boyfriend, sinabi ni Barbie na nangyari ang hiwalayan sa kalagitnaan ng pagshu-shooting ng seryeng Araw Gabi.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Be your own reason to smile ☺️❤️

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

Samantala, sa parehong episode ng morning talk show ay ibinahagi rin ni Barbie ang planong pag-i-invest sa itatayong bagong branch ng Hazelberry ni Ara Mina.

"Si Ate Ara kasi andami niya ring business e. Grabe, nakaka-inspire siya, ang dami niyang work, ang dami niyang ginagawa. Actually magtatayo pa siya ng isang Hazelberry, tapos gusto niya mag-invest din ako doon," sabi ng aktres.

READ: Barbie Imperial says she is not yet ready to enter a relationship right now

Mapapanood si Barbie sa bagong iWant digital series na 'Taiwan That You Love. Aabangan din siya sa pelikulang 'Mang Kepweng' bilang katambal ni Vhong Navarro.