Alice Dixson, nakaranas ng depression nung tumira abroad

Alice Dixson, masayang makatrabaho muli si Aga Muhlach.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2019 11:31 AM
Alice Dixson, nakaranas ng depression nung tumira abroad


Photo Credit: @pelikulamania on IG

Hindi naging problema para kay Alice Dixson ng magsyuting ng pelikulang Nuuk sa Greenland kung saan sobrang lamig ng weather dahil sanay din siyang ma-experience ang winter noong tumira siya sa Canada.

Ani Alice, “I lived in Canada for quite sometime. The culture there is very similar to the native Indians in Canada. The people there are nomadic. They live in igloos. They’re like people of the north. They hunt. They fish. They live very simple lives. The city is very small but it’s beautiful. Kaya madali akong nakapag-adjust.

“Noong nag-shoot kami, the temperature was like super lamig kasi like Greenland, the temperature went as low as -11 degrees celsius, but because of the wind factor, it felt chillier, like -20 degrees.”

Sa Nuuk, gagampanan ni Alice ang character ni Elaiza Svendsen na isang Pinay immigrant sa Nuuk na nakapangasawa ng isang Danish guy.

“Iyong character kasi niya is a lonely immigrant na namatay ang asawa who suffers depression, then may issues pa siya with her son. So, mape-feel mo na parang lost siya in a foreign land,” description niya about her character.

Naka-experience din ba siya ng same depression nung nag-migrate siya sa Canada?

“I also have my ups and downs. Siguro iyon ang naging motivation ko o pinaghuhugutan ko on how to portray my role,” tugon ng dating beauty queen.

Dugtong niya, “I experienced depression when I first moved to Canada, whose climate is similar to that of Greenland. Especially when there’s lack of sun, at hinahanap-hanap mo siya, so it leads to mild depression and some people call it as winter depression.”

At 50, aminado si Alice na hindi rin isyu sa kanya ang gumanap ng mother role sa pelikula ni Direk Veronica Velasco.

Aniya, “I’m already 50 and I’ve done mother roles. Dito lang iyong son ko is Warneq Fleisher, who’s a Filipino theater actor based in Denmark.”

Ibinahagi rin ni Alice kung paano niya napanatili ang kanyang vibrant look at beautiful body despite the years.

“Siguro, it’s just having a positive outlook in life. Actually, iyong katawan mo lang naman ang nag-iiba, pero deep inside, nandoon pa rin iyong mentality mo. So, it pays to be positive despite the challenges na nararanasan mo in life,” rason pa niya.

Samantala, leading man ni Alice sa Nuuk si Aga Muhlach at aminado ang aktres na matagal na niyang hinahangaan ang husay nito bilang isang aktor.

“I worked with Aga a long time ago. That time was our Regal days in the ’90s. He is always an actor to reckon with. I remember his performances in the movies of the late Maryo J. de los Reyes, napakahusay niya,” sabi pa niya.

“Noon kasi, hindi kami masyadong nakakapag-bond at hindi nakakapag-usap kasi iba ang pokus namin noon. Ngayon, may bonding moments na kami sa set kasi pareho kaming birth sign, pareho kaming Leo at pareho kaming stubborn.

“As a matter of fact, may behind the scenes akong kinunan na sumasayaw kami at nagkakantahan na i-a-upload ko sa YouTube channel ko,” tsika pa ni Alice tungkol sa nabuong bonding nila ni Aga while doing Nuuk na palabas na sa November 6 mula sa Viva Fillms.