• Home
  • Fresh Scoops
  • Yasmien Kurdi, nakapagpalaya ng bilanggo matapos mamili ng painting

Yasmien Kurdi, nakapagpalaya ng bilanggo matapos mamili ng painting

Hindi nagdalawang isip na bilhin ni Yasmien Kurdi ang painting na nilikha ng isang bilanggo mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mapondohan ang piyansa ng isa pang preso.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/18/2019 2:57 PM
Yasmien Kurdi, nakapagpalaya ng bilanggo matapos mamili ng painting


Photo credit: @yasmien_kurdi IG

Hindi nagdalawang isip na bilhin ni Yasmien Kurdi ang painting na nilikha ng isang preso mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mapondohan ang piyansa ng kapwa nitong bilanggo.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, sinabi ng aktres na napansin niya ang dami ng paintings at iba pang artworks na gawa ng BJMP inmates sa Tagaytay habang nagte-taping ito para sa isang serye.

"'Yun pala, kapag naka-bili ka daw ng isang art piece na gawa ng mga preso, makakalaya ang isang tao dahil may pang piyansa na siya," ani Yasmien.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ATM Habang nag tataping ako ngayon for #BeautifulJustice dito sa BJMP Tagaytay, napansin ko na ang daming art works at paintings na naka-paligid sa amin... Yun pala, kapag naka-bili ka daw ng isang art piece na gawa ng mga preso, makakalaya ang isang tao dahil may pang piyansa na siya 😍 Ang saya at nakakaiyak yung feeling ko ngayon na alam kong makakapagpalaya ako ng tao❤️ Makakalaya ka na Ms. Maricris Estrada 😘 Makikita mo na yung mga anak mo sa labas ng kulungan 😘 Alagaan mo sila ❤️Salamat Warden Aris Villaester sa pag accomodate samin habang nag taping ngayon ang BJ Team sa kulungan ... ang saya po talaga ng pakiramdam ko ngayon❤️ at sa pintor na si Kuya Jason ... ang ganda ng gawa niyo 🤙🏻 #Happy #Blessed #Thankful #SayNoToDrugs

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

 

Ayon kay Yasmien, walang paglagyan ang kanyang saya matapos makatulong na mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang nasabing bilanggo, na katulad niya ay isa ring ina.

"Ang saya at nakakaiyak 'yung feeling ko ngayon na alam kong makakapagpalaya ako ng tao... Ang saya po talaga ng pakiramdam ko ngayon. Sa pintor... ang ganda ng gawa niyo," dagdag niya.