• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos tumanggap ng international awards, Christian Bables, nagtaas nga ba ang talent fee?

Matapos tumanggap ng international awards, Christian Bables, nagtaas nga ba ang talent fee?

Bukod sa pag-aartista, isa sa pinagkukunan ng income ni Christian Bables ay ang pagiging stock holder sa kanilang family business.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/18/2019 11:49 AM
Matapos tumanggap ng international awards, Christian Bables, nagtaas nga ba ang talent fee?


Photo credit: @christiaaan06 on Instagram

Nangingiting sinagot ng award-winning Kapamilya actor na si Christian Bables ang tanong kung tumaas ba ang kaniyang talent fee, matapos mag-uwi ng dalawang international acting awards.

Aminadong walang ideya kung tumaas ba o nadagdagan, biro ni Christian, "Si Tito Boy (manager) po ang makakasagot—pero nangingiti ako no? Sana."

Maaalalang dalawang international awards na ang tinanggap ng aktor dahil sa pagganap niya sa pelikulang Signal Rock. Isa ay Best Leading Actor award mula sa Hanoi International Film Festival, at isa pa mula sa Chicago, ang Bright Star Award. Hindi pa kasama ang iba pang local film festival na nagbigay din sa kaniya ng parangal dahil sa parehong pelikula.

Read:Christian Bables, nagwagi bilang Best Actor sa isang International Film Fest

Read:Christian Bables, muling nag-uwi ng international acting award

Sa interview ni Christian sa grupo ng press, ibinahagi rin niya ang family business nilang Advertising and Manpower company na Click Aces Marketing Solutions. "Bukod sa kinikita kong personal, sa aking papgiging actor, shareholder din ako sa company namin, so may kita rin ako don," ani ng aktor.

Sa ngayon, wala pang plano si Christian na mag-invest sa sariling bahay. "Hindi muna, ayoko muna. More on travel. Ang luho ko ay yung pasayahin ang mga kapatid ko," paliwanag niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Blue but not blue.

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06) on

 

Samantala nang kumustahin naman ang kaniyang buhay pag-ibig, sinabi ni Christian na walang siyang nililigawan sa ngayon matapos makipaghiwalay sa dating girlfriend, isang taon na ang nakakalipas.

Aabangan si Christian sa bagong teleserye kung saan makakasama niya sila Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Rafael Rosell, at Jameson Blake.