• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto, na-ospital matapos magkatensyon sa burol ng ama

Claudine Barretto, na-ospital matapos magkatensyon sa burol ng ama

Nag-away ang magkakapatid na Barretto sa burol mismo ng kanilang ama na si Miguel.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/18/2019 8:28 AM
Claudine Barretto, na-ospital matapos magkatensyon sa burol ng ama


Isinugod sa ospital si Claudine Barretto dahil nagtamo umano ang aktres ng galos at pagkahilo nang makaalitan ang kapatid na si Marjorie Barretto. Ito ay matapos dumalaw sa burol ng kanilang yumaong ama ang isa pa nilang kapatid na si Gretchen Barretto.

 

 

Ikinuwento naman ni Ruby Baguhin sa ABS-CBN News na nagkasagutan daw sina Marjorie at Claudine at nandoon din ang anak ni Marjorie na si Julia nang mangyari ang mainit na komprontasyon.

Si Ruby ay kabilang sa staff ni Gretchen at sinamahan ang Optimum Star sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. 

Matapos ma-ospital ay nag-post naman si Claudine sa Instagram ng picture quote na, “Are you proud of who you have become?” at nag-caption ang aktres na “I hope not.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I hope not.

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

 

Ilang taong nalayo sa pamilya Barretto si Gretchen at itong taon lamang ay nagkaayos sila ng nakababatang kapatid na si Claudine. Nang yumao na ang kanilang amang si Miguel, dumalaw ang aktres at niyakap ang kanilang ina na si Estrella “Inday” Barretto.

Proud naman si Claudine sa kanyang “Ate” at masaya rin itong nakumpleto silang pamilya.

READ: Gretchen Barretto attends father’s wake, shares hug with mom

Ngunit hindi rin nagtagal ang inakala ng publikong pag-aayos ng kanilang pamilya dahil mabilis ding kumalat ang balitang nagkaroon ng tensyon sa burol ng kanilang ama. Noong dumalaw si Gretchen ay nataon din na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte upang makiramay at sinubukan nito na pag-ayusin ang magkapatid na Marjorie at Gretchen.

Nakiusap umano ang Presidente na magkamay ang magkapatid alang ala sa kanilang ama ngunit hindi raw pumayag si Marjorie. Pagkatapos pa nito ay nagkairingan din umano si Gretchen at isa sa kanyang pamangkin.

Kinumpirma naman ni Gretchen sa ABS-CBN News na nagkaroon ng tensyon sa burol.

“It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown. [President Duterte] was asking Marjorie to shake my hand for the sake of respect of my father. But Marjorie was not happy that I was there to reunite with family,”  ani Gretchen.

Hindi pa naglabas ng pahayag si Marjorie tungkol sa isyu. Nakatakda namang ma-cremate ang labi ng kanilang ama ngayong Linggo, Oktubre 20.