• Home
  • Fresh Scoops
  • Patricia Magtanong, all set for her Miss International pageant journey

Patricia Magtanong, all set for her Miss International pageant journey

Huling nasungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss International noong 2016.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2019 2:48 PM
Patricia Magtanong, all set for her Miss International pageant journey


Photo credit: @bbpilipinasofficial IG

Handang handa na sa kanyang nalalapit na laban sa 2019 Miss International beauty pageant ang Pinay beauty na si Bea Patricia Magtanong.

 

 

Sa Japan magaganap ang prestihiyosong beauty pageant ngayong Nobyembre.

Ayon sa Pinay beauty, isa sa naging malaking tulong sa kanyang journey ang mga former Miss International Philippines title holder na buong buo rin ang naging suporta sa kanyang naging laban.

“I actually talked to Ahtisa Manalo [Miss International 2018 first runner up] a lot she’s been so helpful nai-kuwento nya buong experience niya and she gave so much advice,” tugon ng 2019 Miss International Philippines.

Kasado na rin daw ang mga pageant OOTD niya sa Japan sa panahon ng pageant.

“We actually have two gowns. Iba na ang set up this year. Two gowns for Miss International, a gown for the evening gown portion, a gown for the top eight, for the speech iba na yung gown. I did my fittings, I’m so excited to wear it,” aniya pa.

At dahil humarap sa kalamidad ang Japan, umaasa ang Pinay beauty na maayos na ang kalagayan ng bansa na host country ng pageant.

“I really really hope na by the time we get there okay na ang situation nila, like I’ve said kanina it reminds me of our country and I know na they’ll get over it, they’ll get through it,” pahayag pa niya.

Kung papalarin, si Patricia Magtanong ang magiging pang-pitong Pinay na maguuwi ng korona ng Miss International sa bansa na huling naiuwi ni Kylie Verzosa noong 2016.

Sa November 12, gaganapin sa Tokyo Dome Cityhall ang Miss International pageant.