• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid and Regine Velasquez mark anniversary as Kapamilya

Ogie Alcasid and Regine Velasquez mark anniversary as Kapamilya

Parehong pumirma nang October 17 ng kontrata bilang bagong Kapamilya stars sina Regine at Ogie araw ng October 17.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/17/2019 9:32 AM
Ogie Alcasid and Regine Velasquez mark anniversary as Kapamilya


Photo credit: @ogiealcasid IG

Espesyal ang October 17 para sa showbiz couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid na ipinagdiriwang ang kanilang pagiging isang Kapamilya.

Sa isang Instagram post ni Ogie, binalikan ng singer-songwriter ang isang retrato noong araw na pumirma sila ng kontrata sa Kapamilya network.

 

 

“Happy anniversary sa ating dalawa sa pagiging Kapamilya love Regie, October 17, 2017 for me and October 17, 2018. Coincidence? Perhaps,” bahagi ng post ni Ogie.

Coincidence man, ipinagpapasalamat pa rin ni Ogie ang pagiging bahagi nila ng Kapamilya network.

“But what I know and believe all things are only possible because of God’s provision. Salamat Lord, purihin po kayo. Thank you to our ABS-CBN family!! Salamat #Kapamilya,” pahayag pa ni Ogie sa post.