• Home
  • Fresh Scoops
  • Gabby Concepcion, hands-off sa personal decisions ni KC Concepcion

Gabby Concepcion, hands-off sa personal decisions ni KC Concepcion

Bilang ama hangad lang ni Gabby Concepcion ang kasiyahan ni KC Concepcion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2019 2:44 PM
Gabby Concepcion, hands-off sa personal decisions ni KC Concepcion


Photo credit: @concepciongabby and @itskcconcepcion IG

Kasabay ng trending na duet nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa naganap na Gabay Guro 2019, isa raw sa nagpaabot ng kanyang kasiyahan ang kanilang anak na si KC Concepcion.

Kuwento ni Gabby, madalas pa rin niyang nakakausap ang anak kahit nasa abroad ito ngayon.

"Nag-uusap kami. Happy naman siya, recently nag-usap kami because of her new commercial ako 'yung una niyang pinagpadalhan ng video," tugon ni Gabby sa naging panayam.

Dahil madalas na nag-uusap, hindi na raw bago sa aktor ang mga pinagdaraanan ngayon ng anak lalo na sa buhay pag-ibig nito.

Kasunod ito nang napaulat na hiwalayan umano ni KC sa French boyfriend nito na si Pierre Plassart.

READ: Split with French beau? KC Concepcion’s IG caption stirs speculation

"Oo (napaguusapan)... 'Yun ang maganda sa buhay e', it's unpredictable. Life is full of challenges sabi nga nila maraming hurdles. And again, ito na naman tayo sa mga hurdles ng buhay, hindi lang naman siya lahat tayo," sabi pa ni Gabby.

At bilang ama, isa lang rin daw ang madalas niyang pinapayo sa kanyang anak, "Katulad nga ng sinasabi ko dati pa, ang importante lang happy siya. Hindi ko naman makakasama sila pag nasa bahay, sila sila lang 'yun, kung saan siya happy, doon rin ako."

Ayon pa kay Gabby, minsan na rin niyang nakilala si Pierre matapos itong itong ipakilala ng anak sa kanya.

"Marami na akong nabigay sa kanyang advice, pero pag nagkikita kami lagi ko tinatanong na 'Are you happy? How are you? Is he okay?' Ang importante lang naman communication e', nagtatawagan, nag-uusap minsan makakausap mo lang mawawala na 'yung problema. You don't even be specific."

Sa ngayon, abala si Gabby sa kanyang showbiz commitments bago ang nililutong reunion project kasama si Megastar.