• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Enzo Pineda on Michelle Vito: ‘I really admire her’

EXCLUSIVE: Enzo Pineda on Michelle Vito: ‘I really admire her’

May pag-asa bang maging totoohan ang bagong tambalan nila Enzo Pineda at Michelle Vito?

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/17/2019 12:20 PM
EXCLUSIVE: Enzo Pineda on Michelle Vito: ‘I really admire her’


Photo credit: @its_enzopineda IG

Hindi raw inaakala ng Kapamilya actor na si Enzo Pineda na magiging mainit ang pagtanggap ng mga fans sa kaniyang bagong ka-love team na si Michelle Vito. Sa interview ng PUSH kay Enzo at Michelle, nagpasalamat ang dalawa sa nabuong love team nila dahil sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit.

"It's been a pleasure working with Michelle, lalo na sa teleserye. And hindi namin ineexpect na we would have this following and fan base. As co-actors, wala kaming naging problema. We're really grateful na nabigyan kami ng pagkakataon," pahayag ni Enzo.

Ayon sa dalawa, naging mas magaan bawat eksena dahil napag-uusapan nila ito bago pa man gawin. Masasabi ring mas naging close na rin ang dalawa dahil sa pinagsamahang serye, ayon kay Enzo.

"I think mangyayari at mangyayari naman na magiging close kami kasi it's been eight months, at lagi kong katrabaho at kasama si Michelle, so hindi ko lang siya ka-trabaho kumbaga she's now my good friend," paliwanag ni Enzo.

Bilang parehas na single ang status ng kani-kaniyang buhay pag-ibig, sinagot ni Enzo ang posibilidad na maging totohanan ang kanilang tambalan.

"Right now, we're just enjoying what we have. Of course this is our first show together, I don't want to base it na dahil lang nagka-trabaho kami, may something na.

"But bilang good friends kami, I really admire her and happy na isa sa mga matalik kong kaibigan ngayon si Michelle, and I'm happy with that. In the future, I don't know, let's see. I'm just really enjoying the moment right now," paliwanag ni Enzo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

She may be the face I can’t forget #nangngumitianglangit

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda) on

 

Sa pagtatapos ng kanilang seryeng Nang Ngumiti Ang Langit, 'very willing' daw ang dalawa na magsama muli bilang magka-love team para sa ibang proyekto.

"Magaan lang kasama si Enzo e. Walang hangin ganyan. Mabait siya ang very friendly. Sa bawat eksena namin tinutulungan niya ako," pahayag ni Michelle tungkol sa kaniyang leading man.

LOOK: Nang Ngumiti Ang Langit cast, naging emosyonal sa pagtatapos ng serye

Mapapanood ang huling episodes ng Nang Ngumiti Ang Langit, araw-araw, bago mag-It's Showtime.