• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Jun Lana kay Sarah Geronimo: ‘Totoo ang tsismis, napakabait niya’

Direk Jun Lana kay Sarah Geronimo: ‘Totoo ang tsismis, napakabait niya’

Bilib ang dalawang direktor na sila Jun Lana at Perci Intalan sa kanilang lead actress Sarah Geronimo, sa pagganap nito sa bago nilang pelikula.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/17/2019 12:00 PM
Direk Jun Lana kay Sarah Geronimo: ‘Totoo ang tsismis, napakabait niya’


Aminado na hindi naging madali ang pag-gawa ng Unforgettable, isang “dog movie,” ayon sa mga writer-directors na sina Jun Lana at Perci Intalan. Sa kanilang interview sa PUSH Bets Live nitong Miyerkules, ibinahagi ng dalawa ang naging challenge sa kanilang bagong pelikula na 'Unforgettable'.

"One of my earlier films, yung Bwakaw, si Tito Eddie Garcia atsaka yung aso niya. So alam ko na kung gaano kahirap yon. Pero ito kasi ang difference nito, mas malaki yung scale," kuwento ni Direk Jun.

"Ang mahirap when you're working with a dog, is everybody should understand kung ano ang gustong gawin ng aso on the day, or at the minute, wala kang choice kundi mag adjust.

"So, pag ang aso ayaw maglakad, maghihintay ka kung kelan niya gustong maglakad. Hindi mo siya pwedeng kausapin, so you have to be creative," pagpapatuloy ng co-director at real life partner ni Jun na si Perci.

READ: EXCLUSIVE: Sarah Geronimo, walang rason para magpaka-diva

READ: EXCLUSIVE: Sarah Geronimo reveals who is her ‘unforgettable’ leading man

Parehong bilib ang dalawa sa ipinakitang professionalism ng kanilang lead actress na si Sarah Geronimo. Ayon kay Perci, wala silang narinig na reklamo sa aktres kahit na kailangan nilang laging ikonsidera ang bidang aso na si Milo.

"What [Sarah] went through dito sa pelikulang ito, yung malalayong locations na kailangang puntahan, yung mga mahahabang scenes na kailangang gawin, [lumabas] yung character niya as artista e.

"At dito lumabas talagayung character niya, totoo ang tsismis na napakabait niya," pahayag ni Jun.

Iikot ang kuwento ng Unforgettable sa karakter ni Sarah at kaniyang aso na nagngangalang 'Happy', na maglalakbay para puntahan ang may sakit niyang lola.

"Ito rin ang gusto naming gawin [para sa kaniya] kasi we were also dog lovers. Alam naming dog lover si Sarah. We knew that she was looking for something new, something exciting, and so we made this story specifically for," dagdag ni Jun na sinabing nakiisa si Sarah sa pagde-develop ng buong istorya ng pelikula.

Panoorin ang buong interview dito:

Mapapanood ang Unforgettable sa mga sinehan simula October 23.