• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea Brillantes, ibinahagi ang sikreto ng closeness nila ni Seth Fedelin

Andrea Brillantes, ibinahagi ang sikreto ng closeness nila ni Seth Fedelin

Inilarawan rin ni Andrea Brillantes ang estado ng kanilang relasyon ni Seth Fedelin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2019 2:32 PM
Andrea Brillantes, ibinahagi ang sikreto ng closeness nila ni Seth Fedelin


Magkahalong kaba at saya ngayon ang nararamdaman ng Kadenang Ginto star na si Andrea Brillantes para sa buhos na blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Kuwento ni Andrea, may kaba man, mas pinipili niya na mag pursige sa kanyang trabaho para sa kanyang ipinapatayong bahay.

"Masaya pero natatakot rin kasi siyempre kailangan ko i-maintain ang mga nangyayari ngayon. Pero all in all masaya talaga ako and mas nag-work hard ako, siyempre bawal na akong mag-chill kasi may pinapagawa na akong bagong bahay," tugon niya sa panayam.

Sa pagbuhos ng blessings sa kanya ngayon, labis rin na pinapasalamatan ng Kapamilya star ang kanyang mga fans na sumusuporta sa kanya ngayon.

"Lahat ng meron ako ngayon, dahil 'yun sa mga fans ko, kung wala sila, wala ako ngayon at hindi ko natatanggap kung ano ang meron ako ngayon kaya sobrang nagpapasalamat ako," aniya pa.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Andrea ang mainit na pagsuporta sa kanilang tamabalan ni Seth Fedelin na bahagi rin ng hit Kapamilya series na Kadenang Ginto.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mmm sino ba mag g-gown satin bukas? 💃🏻😂 #RoadToABSCBNall2019 @imsethfedelin

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

 

Ayon sa dalaga, malaking tulong sa kanilang chemistry ang pagkakapareho nila ng ugali.

"No, kasi ever since na na-meet ko si Seth, parang never naman na nagkaroon ng ilangan, parang natrural naman ang chemistry namin noong na meet ko siya, parang after taping namin sa Kadenang Ginto close na agad kami, kasi parang magkalapit agad ang personality namin," sabi pa ni Andrea.

At kung ilalarawan ang kanilang estado ngayon, "Ngayon po, mas lumalalim ang friendship namin ang samahan namin, mas nakikilala ko siya, nakikilala niya ako, mas nag-focus kami sa trabaho namin ngayon, pero alam ko andyan siya para sa akin at alam rin niya na andito ako para sa kanya."

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Andrea sa hit afternoon Kapamilya series bilang si Margaret Bartolome sa Kadenang Ginto.