• Home
  • Photos
  • Vic Sotto, Pauleen Luna, at iba pang GMA-7 stars, present sa premiere ng pelikula ni Maine Mendoza sa ABS-CBN

Vic Sotto, Pauleen Luna, at iba pang GMA-7 stars, present sa premiere ng pelikula ni Maine Mendoza sa ABS-CBN

Nagningning ang opening day ng pelikulang “Isa Pa, With Feelings” dahil sa dami ng mga bituing dumalo upang suportahan ang lead stars na sina Maine Mendoza at Carlo Aquino, hindi lamang mula sa ABS-CBN kundi maging sa GMA-7 network.

BY PUSH TEAM

PHOTOS

10/16/2019 2:12 PM

Idinaos nitong gabi ng Martes sa Quezon City ang inaabangang black carpet premiere ng pelikulang Isa Pa, With Feelings.

Nagningning ang opening day ng pelikula dahil sa dami ng mga bituing dumalo upang suportahan ang lead stars na sina Maine Mendoza at Carlo Aquino, hindi lamang mula sa ABS-CBN kundi maging  sa katapat nitong GMA-7 network.

Bukod sa mga bidang sina Maine at Carlo, at direktor na si Prime Cruz, naroon din sina Vic Sotto, Pauleen Luna, Angelika dela Cruz, Ruby Rodriguez, at Ciara Sotto.

Dumalo rin sa premiere ang iba pang cast members ng Isa Pa, With Feelings na sina Cris Villanueva, Nikki Valdez, at Francis Magundayao.

Mula sa produksyong ng ABS-CBN's film outfit na Black Sheep, mapapanood na ang Isa Pa, With Feelings sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, Oktubre 16.