• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Dimples Romana, bilang ‘Tita Moody’ sa bagong Vice Ganda-MMFF movie na ‘The Mall The Merrier’

TINGNAN: Dimples Romana, bilang ‘Tita Moody’ sa bagong Vice Ganda-MMFF movie na ‘The Mall The Merrier’

Dimples Romana at mga kapwa aktor, tinanggap ang PMPC Best Daytime Drama Series Award ng kanilang teleseryeng ‘Kadenang Ginto.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/16/2019 11:26 AM
TINGNAN: Dimples Romana, bilang ‘Tita Moody’ sa bagong Vice Ganda-MMFF movie na ‘The Mall The Merrier’


Photo credit: @dimplesromana IG

Sa kakatapos lang na pagshu-shooting para sa bagong pelikula, ibinahagi ni Dimples Romana ang unang litrato bilang 'Tita Moody' sa Vice Ganda-MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na The Mall, The Merrier.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, October 15, sinabi ni Dimples na nakakaranas siya ngayon ng movie sepanx, o separation anxiety.

 

 

Kasama sina Anne Curtis at Tony Labrusca, mapapanood ang The Mall, The Merrier sa December 25.

"We've finished already and I'm so excited because masaya itong pelikulang ito. Masaya na may puso. My name will be Tita Moody, moody kasi ako doon e," kuwento ni Dimples sa interview ng press nitong Linggo sa PMPC Star Awards for Television.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

- Congratulations #KadenangGinto for winning Best Daytime Drama Series in the 33rd PMPC Star Awards for Television -

A post shared by kadenangginto (@kadenangginto) on

 

Kasama ang kaniyang mga kasama sa seryeng Kadenang Ginto na sina Adrian Alandy, Arnold Reyes, at Sheree, tumanggap ng parangal ang naturang serye ng Best Daytime Drama Series.

"Last October 8, nag-mark kami ng first year namin sa ere. So natutuwa lang kami at nagpapasalamat kami sa PMPC..." sabi ni Dimples sa press.

Sa isang taon ng Kadenang Ginto, marami pa raw ang dapat abangan lalu na't nagbabalik ang karakter ni Albert Martinez na Roberto Mondragon.

Ginawaran din si Dimples bilang Celebrity Mom of the Night sa parehong awards night.