• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, minsan na rin nakaranas ng diskriminasyon habang namimili sa Hong Kong

Sharon Cuneta, minsan na rin nakaranas ng diskriminasyon habang namimili sa Hong Kong

Maging ang showbiz veteran na si Sharon Cuneta ay minsan na rin nakaranas ng diskriminasyon sa pagsha-shopping niya sa ibang bansa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/16/2019 1:34 PM
Sharon Cuneta, minsan na rin nakaranas ng diskriminasyon habang namimili sa Hong Kong


Maging ang showbiz veteran na si Sharon Cuneta ay minsan na rin nakaranas ng diskriminasyon sa pagsha-shopping niya sa ibang bansa.

Sa Tonight With Boy Abunda, kung saan ikinwentong muli ng kanyang kapwa manga-awit at concert collaborator na si Regine Velasquez ang naranasang diskriminasyon habang namimili ng sapatos sa isang Louis Vuitton store sa New York, ibinahagi ng tinaguriang Megastar na minsan na rin siyang ini-snob nang bumisita siya sa isang Cartier boutique sa Hong Kong.

READ: Regine Velasquez, nakatanggap ng bulaklak mula sa Louis Vuitton matapos makaranas ng diskriminasyon

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

MEGA magazine 2019

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

 

"[My outfit] was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me.’ ‘I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry," kuwento ni Sharon, na di umano ay hindi lang isa kundi tatlong beses nang nakaranas ng diskriminasyon abroad.

"Ako, galit ako kapag Pilipino inaapi."

Sumang-ayon din ang seasoned actress-singer sa pahayag ni Regine na walang masama sa pamimili ng mamahaling gamit lalo na kung pinaghirapan mo ito.

"No one can fault you for buying something expensive because you work for it," ani Sharon, na sinabing "ipaglalaban" niya si Regine kung sakaling kasama siya noong nangyari ang nasabing insidente sa New York.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Soon!! #seeyouinoctober

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Magkasamang nag-guest ang dalawa sa Tonight With Boy Abunda upang i-promote ang kanilang unang pagsasamahang concert na Iconic. Gaganapin ang show sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Oktubre 18 at 19.