• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano at Enrique Gil, mas magiging mature na sa susunod na teleserye

Liza Soberano at Enrique Gil, mas magiging mature na sa susunod na teleserye

Nagbigay ng update sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa nalalapit nilang teleserye.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/16/2019 4:38 PM
Liza Soberano at Enrique Gil, mas magiging mature na sa susunod na teleserye


Matapos manggaling sa bansang Croatia upang mag-shoot ng ibang mga eksena para sa kanilang bagong teleserye na  Make It With You, masayang nagbigay ng update sina Liza Soberano at Enrique Gil tungkol dito.

"This is something new to us! We're really excited because we haven't done a teleserye in more than a year now," ani Liza sa report ng TV Patrol.

Para kay Cathy Gacia-Molina, na siyang magiging direktor ng serye, sinabi niyang pinili niya ang bansang Croatia dahil bago ito sa mga Pinoy.

"To keep to its truth, dito (sa Croatia) tayo nagpunta. It's something new to the Filipinos also," aniya.

Gaganap bilang Billy at Gabo sina Liza at Enrique.

"My character is an OFW and we know the stories of how OFWs are so parang pagdaraanan niya lahat ng hirap na pinagdaraanan ng mga OFW," kwento ng aktres.

Para kay Enrique, natutuwa siya sa kanyang karakter na si Gabo dahil sa ‘koneksyon’ nito dito.

"There's really something with Gabo that strikes me and I really feel a connection with him. Iba yung tingin niya sa buhay iba perspective about life.”

Huling bumida ang dalawa sa seryeng Bagani at sa 2020 naman na ipapalabas ang bagong teleserye nila.