• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann, Vice, Coco, Vic, Aga, Carmina, Miles, at Iza, magtatapatan sa MMFF 2019

Judy Ann, Vice, Coco, Vic, Aga, Carmina, Miles, at Iza, magtatapatan sa MMFF 2019

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang opisyal na walong kalahok sa taunang festival.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2019 7:38 PM
Judy Ann, Vice, Coco, Vic, Aga, Carmina, Miles, at Iza, magtatapatan sa MMFF 2019


Kompleto na ang listahan ng top 8 na pelikulang magiging official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Pormal na inihayag ni MMDA Chairman Danny Lim ang remaining 4 entries nitong Miyerkules (Oct. 16). Pinili ang huling 4 entries base sa finished product o pagkakagawa ng pelikula.

Ang apat na pelikulang masuwerteng pumasok sa huling apat na slot ayon sa MMFF Selection Committee ay ang mga sumusunod:

Mindanao ng Center Stage Productions na isang drama/animation. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon at mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.

 Sumunod ang Write About Love ng TBA Studios na isang romance film. Bida sa pelikula sina Miles Ocampo at Joem Bascon.

Ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon na mula sa CCM Productions ay napasama din sa listahan. Ang genre ng pelikula ay action-comedy at pinagbibidahan ito nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas.

Ang huli ay ang Culion ng iOptions Ventures Corp. na isang historical film. Co-producer at bida sa pelikula si Iza Calzado.

Ang naturang apat na pelikula ang kukompleto sa Magic 8 ng MMFF kung saan una nang ini-announce ang first official entries based on script submission.

Ito ay mga pelikulang Miracle In Cell No. 7 ng Viva Films, Mission Unstapabol: The Don Identity ng M-Zet Productions, Sunod ng Ten17P at The Mall, The Merrier ng ABS-CBN Film Productions.

Star-studded na agad ang line-up ng naunang 4 official films dahil naglalakihang artista ang mga bida rito. Sa Miracle In Cell No. 7 ay nandiyan sina Aga Muhlach at Bella Padilla. Magkasama naman sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol.

Balik-MMFF naman si Carmina Villarroel sa Sunod at first time na magsasama nina Anne Curtis at Vice Ganda sa comedy film na The Mall, The Merrier.

Gaganapin ang annual parade of stars ng MMFF sa December 22 (Sunday) sa City of Taguig. Tatakbo naman ang buong festival from December 25, 2019 to January 7, 2020.

Ang Gabi ng Parangal ng MMFF ay gaganapin naman sa Dec. 27 sa New Frontier Theater.